Bakit kaya aligaga at balisa si Bela Padilla habang ini-interview ng press?

Kagabi, February 3, pagkatapos ng premiere screening ng pelikulang On Vodka, Beers, and Regrets sa Estancia Mall sa Pasig, ay nagtipon-tipon ang mga stars ng pelikula (led by Bela Padilla and JC Santos), celebs guests, at Viva Films executives sa kabubukas lang na branch ng Boteyju restaurant, also in Estancia Mall, para mag-celebrate

Hinilingan ng ilang members of the press, including pikapika.ph na ma-interview sandali sina Bela at JC at alternate naman silang tsumika sa amin.

Sa kalagitnaan ng interview kay Bela, mapapansin na sasayaw-sayaw siya habang sumasagot sa mga tanong. Akala naman namin ay extension lang yon ng magandang mood niya that night dahil maganda ang reaksyon ng mga nakapanood ng pelikula. Besides, happy person naman talaga itong si Bela.

Sa puntong tinatanong na siya ng updates sa mga susunod  niyang projects—gaya ng Spellbound with Marco Gumabao (na patapos na raw), ang Ultimate Oppa (na isu-shoot na niya sa Korea this month), at ang sequel ng 100 Tula Para kay Stella (na ikinagulat daw niyang tuloy pala)—hindi na nakatiis si Bela. Nag-excuse siya sa interbyuhan at sinabing ihing-ihi na siya.

Tawang-tawa ang lahat sa pagka-komedi ng moment. 

Agad naman siyang bumalik to resume the interview at humingi ulit ng paumanhin. Aniya, para daw siyang bata na pag may naisip o kailangang gawin, agad-agad ay gagawin niya. 

Natanong tuloy namin na bakit di siya mag-try ng komedi movie naman tutal ay may natural siyang timing. Pangarap din daw niya ’yon.

Anyway, showing na bukas—February 5—and On Vodka, Beers, and Regrets, ang balik-tambalan nila ni JC Santos, directed by Bela’s mentor, Irene Villamor.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.