Walang kaalam-alam ang karamihan na asawa pala ni Baron Geisler ang babaeng kasama niyang naglakad sa red-carpet ng Sine Sandaan kagabi, September 13, sa New Frontier Theater sa Quezon City.
The lovely lady in yellow is Jamie Marie Evangelista, who is reportedly Baron’s psychologist.
The day before, September 12 lang pala naganap ang civil wedding ng dalawa, reportedly sa sala ni QC Judge Arthur Malabaguio.
Kaya hindi pa muna sila nakaka-honeymoon at sinamahan muna ni misis si mister na maki-bonding sa mga showbiz colleagues nito sa Sine Sandaan event.
Next year na raw magaganap ang church wedding ng dalawa.
Congrats, Baron and Jamie!