Batikos kay Skusta Clee, non-stop

Muling inulan ng online batikos ang controversial rapper at songwriter si Skusta Clee.

Dahil ito sa bagong  kantang kanyang sinulat na tinawag niyang “Gaga.” Tungkol ang kanta sa isang taong iniwan sa ere ng kanyang karelasyon sa panahong lugmok na lugmok ito.

Nag-tweet pa ang rapper noong June 9 at sinabing “Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala.”
Nakasaad din sa lyrics ng kanta na: “Kung 'di ka lang gaga, eh 'di sana katabi kita sa malambot na kama.”

Ikinairita ito ng mga taga-suporta ng dati niyang karelasyon, ang vlogger na si Zeinab Harake.

Pakiramdam nila, patama ni Skusta Clee ang kanta kay Zeinab. At lumalabas na wala man lang itong pagsisisi sa pambababae umano nito noon.

Binatikos tuloy ng friends and supporters ni Zeinab si Skusta Clee. Kabilang na dito ang close friend nitong si Awra Briguela
“Malambot na kama? pinile mo nga banig kaysa kama. Urur,” bwelta ni Awra sa rapper via Twitter.

Last June 10, muling binasag ng publiko si Skusta Clee nang mag-perform siya sa Clark Aurora Festival sa Pampanga

Imbes kasi na mainit na pagtanggap, nakatanggap siya ng mga pangbu-boo mula sa audience.
May mga sumigaw din ng “cheater” habang nagpe-perform siya onstage. Kita rin sa naglipanang videos sa TikTok, na kuha habang nagpe-preform siya, na dine-dirty finger siya ng mga tao.

Deadma naman ang rapper sa lahat ng ito.

Matatandaan na ibinunyag si Zenaib sa interview niya with Toni Gonzaga last May 9 na nambabae si Skusta habang magkarelasyon sila.

Ang rapper din daw ang dahilan kaya nag-miscarriage siya sa ikalawa sana nilang anak.

Si Skuta rin at ang masalimuot na relasyon nila ang  itinuturong dahilan ni Zeinab sa dinanas niyang mental health issues.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.