Carlo Aquino, alaskado kay Matteo

Tamang alaskador si Matteo Guidicelli noong Sabado ng gabi sa concert nila ni Carlo Aquino sa Music Museum. At s’yempre pa ang naging bida sa banter niya ay si Carlo mismo na hindi masyadong sanay sa mga live performances na gaya nito. Kumpara kay Matteo na mas naunang nasabak sa kantahan at hosting bago ang pag-arte, mas mahiyaing di hamak onstage ang drama actor na si Carlo.

Isa na naging biro ni Matteo kay Carlo ay may kinalaman sa edad. Bata palang daw siya sa Cebu ay idol na niya si Carlo. Pero kung tutusin ay five years lang naman ang agwat ng edad nila—33 si Carlo, habang 28 si Matteo. Nagkataon lang na mas naunang nag-showbiz si Carlo. Sa Ang TV ng ABS-CBN nag simula si Carlo noong 1995, habang 2007 na nang pormal na umentra si Matteo sa showbiz via the teen sitcom Go Kada na ipinalabas din sa ABS-CBN.

Kilalang man of few words naman talaga si Carlo kaya tawa lang ang iginaganti niya sa kaibigan at kakuwadra sa Star Magic na si Matteo (pareho sila ng handler).

Muling humirit si Matteo kay Carlo na i-congratulate daw ng audience dahil galing ito sa box-office hit na Exes Baggage with “the love of his life” na ikinatili ng audience.

Sakay ng audience na si Angelica Panganiban ang tinutukoy ni Matteo na hindi lang naging leading lady ni Carlo sa said movie—na kumita ng more than 300 million—kundi naging ex-din in real life at napapabalitang nakaka-mabutihan na naman niya.

Sayang at no-show si Angelica that night. Mas kinilig sana ang mga CarGel fans. Pero si Matteo na rin ang nag-explain na kaya hindi nakarating si Angelica Panganiban sa concert dahil may taping ito pero nag-text naman daw ng “I love you.”

Here’s a video excerpt sa kulitang Matteo at Carlo during their Music Museum concert.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.