Eddie Garcia Eulogy Series | Cory Vidanes: “Binabati niya po lahat ng guwardiya, janitor, staff, crew, mga artista sa ABS-CBN…walang mintis.”

Inisa-isa muna ni Ms. Cory Vidanes (COO for Broadcast ng ABS-CBN), ang ilan sa mga naging roles ni Eddie Garcia sa ABS-CBN, pero ang paboritong role daw niya ay ang “pagiging maginoo, palabiro, mabait, at tapat na kaibigan” nito.

Bilib din daw siya sa pagka-down-to-earth nito. “He never turns down fans,” giit ni Ms. Cory. “Lahat ng gustong magpa-picture, pinagbibigyan niya…binabati po niya  lahat ng guwardiya, janitor, staff, crew, mga artista sa ABS-CBN. Walang mintis.”

Pero biro ni Ms. Cory, naaasiwa siya sa tuwing tatawagin siya nitong “Tita Cory” bilang mas matanda nga ito sa kanya. Pero na-appreciate daw niya ang pagtawag nito sa kanya sa tuwing may matatapos itong programa sa kanila para magpa-alam na gagawa muna sa GMA-7. 

But Cory Vidanes encapsulates  the “good, good man” in these words: “Ang salita po niya ay mas mabisa sa pinirmahang kontrata. Pag sinabi po niya, gagawin niya at gagawin niya sa tamang oras.”

YOU MAY ALSO LIKE:

Showbiz pays tribute to an icon—Eddie Garcia

Eddie Garcia Eulogy Series | Sunshine Dizon: “Mami-miss ko ang mga Manoy antics niya sa set.”

Alden Richards read a poem for Eddie Garcia

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.