Exclusive: Ayanna Misola, nainggit kay AJ Raval kaya nag-all-out na din

Twenty years old lang si Ayanna Misolo and like any typical Pinoy kids, who grew up in the province nangarap siyang maging artista. Going Bulilit pa nga ang nasa isip niya noon.

 

At dahil laging nasasabihan ng mga kapitbahay na maganda siyang bata at artistahin kaya hindi an nawala sa isip niya ang dream na ’yon.

 

But walang chance dahil ayaw naman daw siyang payagan ng nanay niya.

 

On her own, naghanap-hanap siya ng mga auditions and go-sees at isa sa nakita niya ang pa-audition ng talent manager na si Jojo Veloso, who at that time ay tamang-tama naman na may binubuong girl group.

 

She was already 18 at that time.

 

Needless to say, kinuha agad siya ni Jojo for that girl group na parang training of sort na rin sa pakikisalamuha sa tao.

 

Noong una, reluctant daw siya na magpa-sexy. But when pandemic hits at umingay ang pangalan ni AJ Raval, na kasabayan niya sa poder ni Jojo Veloso, bigla raw lumakas ang loob niya at siya pa mismo ang nagprisinta sa kanyang manager.

 

“Sabi ko, game na ako,” nagtatawang k’wento niya sa aming exclusive interview. “No’ng una ayaw pa ngang maniwala.

 

“Nakita ko kasi sila AJ, may movies na siya...sabi ko, acting lang naman. Sabi ko, it’s a way nga para makita nila na kaya kong um-akting kasi wala nga akong alam [sa mundo] pero nagawa ko naman ang mga kailangan kong gawin.”

 

Jojo then brough her to Viva in September lang last year pero eto’t pangatlong pelikula na niya ang Kinsenas, Katapusan after ma-introduce sa Pornstar 2 na sinundan ng Siklo.

 

Ayaw niyang i-acknowledge na naabutan na niya si AJ Raval...na halos pantay na sila dahil pareho na silang nagbibida.

 

“Walang makakapantay doon, AJ Raval ’yon, e.”

Sugar baby ang role ni Ayanna sa launching movie niyang Kinsenas, Katapusan with Joko Diaz playing as her sugar daddy. In real life, hindi naman daw niya nakikita ang sarili na maghahanap ng sugar daddy but she does she herself falling for older men—“mga 30 [years old] pataas”—dahil mas bet niya raw talaga.

 

“Mas naga-guwapuhan ako sa mga hindi ko ka-edad...saka kasi pag mas matanda sa akin, mas responsable na sila, mas may paki sa’yo kesa sa ka-edad ko na puro sarili iniisip.”

 

At this point, walang boyfriend si Ayanna at fair warning na raw ang trabaho niya sa mga maga-attempt manligaw dahil kung may balak daw siyang pahintuin o pabawasan ang kanyang pagpapa-sexy ay “Shooo-shoo ka muna” daw.

 

At this point, nakakaranas na rin daw siya mga kung anu-anong comments sa social media but so far ay wala raw siyang itinuturing na bastos sa mga yon.

 

“Hindi ko tine-take na para sa akin talaga ang sinasabi nila,” paliwanag ni Ayanna. “Feeling ko ine-express lang nila sarili nila...kasi trabaho ko magpalabas ng mga ano nila, hahaha...para ma-express nila sa sarili nila.

 

“Parang compliment pa nga kasi like ako natatabaan ako sa sarili ko, sila naman sinasabi nila, naseseksihan sila.”

 

Malinaw naman sa kanya na she just played a role at iba ang Ayanna behind the camera.

 

But when asked kung may male fan na ba na nag-express ng “gigil” sa kanya in person ay wala pa naman daw dahil hindi naman siya naglala-labas.

 

“Pero feeling ko, after nilang mapanood ’to [Kinsenas, Katapusan], mangigigil sila sa akin. Hahaha!”

 

Kinuwento ni Ayanna sa amin ang dahilan kung bakit pero spoiler kaya panoorin n’yo nalang ang Kinsenas, Katapusan na mago-open streaming na mamayang 12 MN (February 4) sa Vivamax.

 

Pero bago ’yon, get to know this lovely lady a little bit first through this exclusive interview.

 

Please click on the video link above.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.