Exclusive: Cassy Legaspi, ready nang bumukod sa family, Zoren at Carmina, umapela

Naiyak daw si Cassy Legaspi nang ibinalita sa kanya na siya na ang new Palmolive girl. Dream TVC daw kasi niya ito. And we are sure lahat ng young female stars ay dream iyon. Hindi raw niya akalaing darating ang blessing na ito early in her career. 

 

“Kasi I thought I’d get commercials like this in the future pa...medyo matagal pa,” pag-amin niya. “But I got it now so I’m so happy kasi nga dream commercial ko.”

 

Nagka-shampoo commercial naman na siya when she was much younger (and for a different brand) at sila ’yon ng nanay Carmina [Villarroel] niya. This time, solo na siya. Kaya may dagdag kilig ’yon para kay Cassy as she is at a phase when she’s creating her own identity. 

 

Sayang nga daw at hindi nakuhanan ng video ang reaction niya.

 

Tila papaganda na nga ang career ng Legaspi twins. Ang kakambal niyang si Mavy ay kasalukuyang naka-lock in sa Sorsogon with the rest of the cast ng I Left My Heart in Sorsogon (led by Heart Evangelista); habang siya naman ay katatapos lang ng very successful GMA teleserye na First Yaya. Tapos, eto nga at may solo endorsement na siya.

 

Hindi raw siya ang tipo ng nagre-reward sa sarili after a “job well done” dahil lagi niyang iniisip na she needs to do better. Thus, no new bag or shoes gaya ng ibang arista. And it’s good thing na rin dahil pinag-iipunan daw niya ang sarili niyang van o kotse.

 

“I want to save up for a car or van na pang-taping...tapos after the pandemic, I can go around tapos p’wede kong sabihin na, ‘This is not tatay’s car, not nanay’s car...this is my car that I bought it with my own money.’” 

 

Pero dahil nga kumikita, marunong na raw siyang mag-treat sa family niya. Mahilig daw siyang magpa-dinner. 

 

Moreover, may sinasagot na raw siya sa mga bills sa bahay nila.

 

“Actually now, I’m starting to,” masayang balita niya. “Parang naiba na ’yong system sa bahay na I think I pay certain percentage of the things sa house.

 

“I’ve been saying naman na gusto kong gawin pero sabi ni nanay, ‘Wag na muna. In the future...’ Well, eto na ’yong future. I’m paying na. Okey naman ako do’n. I’m willing to do that naman.”

 

Pero hanggang doon palang daw ang adulting level nila ni Mavy. Kung ang pag-uusapan daw ay ang pagso-solo living nila—say in a condo—ay big no-no daw yon para sa nanay at tatay nila—lalo na sa kanya.

 

“I think ako kaya kong gawin pero si nanay at si tatay...hindi p’wede until I’m married. Kasi parang I asked them na, ‘Pa’no kung years from now, gusto ko nang magkaroon ng sarili kong place?’

 

“Nako, sabi lang: ‘No! Dito ka lang. Di ba may room ka naman. O, okay naman diba?’ Ako naman, ‘Sorry naman. Tinatanong ko lang.’ Haha!”

 

For more fun tsika about Cassy Legaspi, please watch the full interview by clicking the video link above.

YOU MAY ALSO LIKE:

Cassy Legaspi, nami-miss ang pagiging caring ni JD Domagoso sa set ng First Yaya

Cassy Legaspi, may nai-dulas tungkol sa ka-loveteam na si JD Domagoso
 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.