Exclusive: Denise Esteban, na-excite nang aluking magpa-sexy sa movie; “Ginagawa ko na din naman sa Instagram, e.”

Laking-Baguio City ang Vivamax sexy newbie na si Denise Esteban pero hindi raw siya kumakain ng strawberry.

 

The bunso in the brood of three, mahilig na raw talaga siyang manood ng mga teleseryes noon pa, sabay i-imagine-nin na kasali siya doon.

 

As a teen, nakukuha naman siyang mag-model-model at bumababa sila minsan ng Baguio to Manila para sa mga go-sees. In one of those, may nagsabi sa kanyang mag-audition umano para sa isang girl group. It turned out, ito pala yong PPop Generation na binuo ng Viva, along with Japanese partners, some three years ago.

 

Dahil may boses, can dance at higit sa lahat, may presence, nakapasa agad siya at hindi na nakabalik ng Baguio dahil sumabak na sa training. Kinagat naman niya dahil gusto nga niyang mag-artista.

 

Nagkaroon sila ng regular gigs sa Theatrino in Greenhills, all 40-plus of them; at nagkakaroon na ng mga mall shows at TV guestings. She, for her part, even landed a lead role sa “Rosas” music video ng music boy wonder na si Rob Deneil. And she got herself a rose tattoo to celebrate that early milestone.

  

But just when things were picking up, nagka-pandemic kaya natengga sila. Bumalik muna siya ng Baguio at doon na-lockdown.

 

Once in a while, nagpo-post siya ng mga sexy pictures sa Instagram. At doon daw siya muling napansin ng Viva at inalok siyang magpa-sexy.

 

Tinanggap niya ang hamon dahil sabik na siyang magbalik trabaho and at the same time, gusto naman talaga niyang maging artista.

 

Wala na raw siyang qualms tutal ay ginagawa naman niya sa social media. Might as well nga naman. And noong sumalang naman daw siya sa kayang first movie na Kaliwaan, which starred AJ Raval, “hindi naman po pala mahirap.”

 

Soon after, nakaka-apat na siya nang natapos na projects. After Kaliwaan, eto na agad ang launching movie niyang Doblado with Yosef Elizalde, another movie with Joey Reyes, at kasali rin siya sa series na High on Sex with Wilbert Ross na kina-starstruck-an niya.

 

Hataw!

 

“Gusto ko nga po ’yon...gusto ko after ng isa, may isa ulit. Hindi po ako napapagod. Lagi akong excited pag may eksena na,” tsika niya.

 

Sabagay, matagal nga naman siyang ma-lockdown sa Baguio at matagal din niyang hinintay magka-break.

 

To prepare for her new world, pinanood daw niya ang mga pelikula ni AJ Raval at iba pang Vivamax stars, plus may Fifty Shades of Gray pa on the side. Para daw magka-idea siya and she told herself, “Kaya mo yan.”

 

In the future, dream daw  niyang maka-work ang the likes of Ian Veneracion at Jericho Rosales.

 

Kaya mong sabayan ang acting nila? Tanong namin.

“Kakayanin po yan!”

 

With this kaya-ko-yan attitude, Denise Esteban can certainly give Ayanna Misola and Angeli Khang a run for their money.

 

Denise’s launching movie, Doblado, where she plays as a student who moonlights as a prostitute, is streaming on Vivamax starting tomorrow, May 6.

 

You can also get to know her more through our exclusive interview, which you can view by clicking the video link above.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.