Exclusive: Dennis Padilla, mas piniling maging artista kesa maging abugado

Pangarap daw ng namayapang tatay niya, ang respetadong aktor na si Dencio Padilla, na maging lawyer. Pero dahil hindi iyon natupad ay ninais nitong ang panganay niyang si Dennis ang magtuloy noon.

 

Pero inagaw din ng showbiz ang atensyon at puso niya kaya’t sa showbiz din siya nag-end up na “kasalanan” din naman ni Mang Dencio dahil lagi siya nitong bitbit noong araw hanggang makuha pa ngang child star sa mga pelikula ng kanyang ninong sa binyag na si Da King FPJ.

 

Paboritong sidekick kasi ni Da King ang original onscreen “Batangueño” na si Mang Dencio kaya’t nagisnan na ni Dennis ang friendship ng kanyang tatay dito.

 

Kinuha siya bilang batang Totoy Bato (1977) at panganay na anak ni Asedillo (1972).

 

After high school, pinatigil na raw siya ng tatay niyang mag-artista para makapag-focus sa kanyang political science course sa UST. In fairness daw kasi sa tatay nila, kahit wala silang magandang bahay noong araw ay napagtapos sila nitong walong magkakapatid sa pag-aaral na pawang sa mga private schools pa.

 

Pero oras na nakatapos, mas pilili pa rin ni Dennis ang pag-aartista kesa ituloy ang pag-aaral niya ng law.

 

He didn’t mind na maging ekstra-ekstra. Naging isa sa mga famed Hawi Boys pa nga siya ni Randy Santiago noon sa Lunch Date. Hanggang sa kinontrata na siya ng Viva.

 

Una ay pa-sidekick-sidekick lang din si Dennis. His biggest film exposure then was the Sharon-Cuneta-Robin Padilla blockbuster na Maging Sino Ka Man. Later on, pinasolo na siya sa mga sarili niyang comedy films na pawang tumabo sa takilya. Nagsasalitan lang ang mga pelikula nila noon nina Janno Gibbs at Andrew E., o kaya naman ay kino-combo sila.

 

And these days, bumabalik ang pagpi-prinsipe nilang tatlo sa komedya nang maisipan ng Viva pausuhin ulit ang 90s style of comedy sa mga sinehan at sa itinatag nitong streaming app na Vivamax. Sinimulan ito sa Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo (SSS)—ang bagong version ng kanilang 1997 riot film na Si Mokong, Si Astig, at si Gamol—na tumabo sa takilya noong 2019. Pagtakatapos ay ang equally successful na Pakboys: Takuza noong 2020.

 

Bago magtapos ang 2021, nag-stream na sa Vivamax ang part 2 ng SSS, ang Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo 2 Aussie1 Aussie! O Sige.

 

And it’s still streaming.

 

Pero marami pang interesting throwback stories na ibinahagi sa amin si Dennis tungkol sa kanyang showbiz journey, including his closeness with his ninong Fernando Poe. Jr.

 

For that and more, please watch Butch Francisco’s full exclusive interview with by clicking the video above.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.