Exclusive: Heart-to-heart interview with music sensation Juan Caoile, the fellow behind the viral hit “Marikit.” (Kilalanin ang bagong wonder boy ng hip-hop)

Dare not listen to “Marikit” dahil paniguradong ma-e-LSS (last song syndrome) ka. 

The hip-hop single, na maituturing na isang viral phenomenon, continues to log in records sa iba’t-bang platforms.

Bukod sa nag-No.1 Global Viral on Spotify at nag-No. 1 trending sa Youtube, nakapagtala na rin ito ng 280M-plus accumulative views sa Tiktok under the hashtag: #BinibiningMarikit.

Pikapika.ph recently sat down with John Patrick dela Cruz Caoile—na mas kilala bilang si Juan Coaile, and bagong wonder boy ng hip-hop and the fellow behind the viral hit: “Marikit”—for an exclusive interview.

Yup, in person po ang interbyuhan.

Sa masarap naming k’wentuhan, we found out a lot of interesting thing about this very positive young man—only 19 years old at magtu-twenty palang sa June 25.

For instance, aminado siyang Lola’s boy siya dahil kinupkop na daw siya nito mula five months old palang siya at ang mga ngiti daw ni Lola Carmencita niya ay sapat na para gumanda ang araw niya.

Makulay at hindi ideal ang kinalakihang mundo ni Juan—broken family, laki sa lola na naloko sa sanglaan ng bahay na tinitirhan, at may naging bisyo ang kanyang tatay. Pero hindi naging dahilan ang mga yon para hindi siya mangarap at magpa-anod sa maling landas. 

Instead, he opted na magpaka-positive sa buhay. In fact, ang pangarap niya—bukod sa bigyan ng bahay ang lola niya—ay maging isang “successful businessman rapper.”

We also found out na in love na in love siya sa girlfriend niyang si Elyn Sebastian, the inspiration behind “Marikit,” na magkaka-music video na ang “Marikit” at may parating siyang bagong single soon.

Things are certainly coming up roses for this fella.

Kilalanin n’yo pa siyang maige and find out why a nice and talented guy like him deserves all the successes he is reaping now.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.