Exclusive: Jeric Raval, okay lang daw kung may anak na lalaking mag-a-out na beki

It’s interesting to know na ang dream pala noong araw ng boyish-looking pa ring action star na si Jeric Raval ay maging rapper na ala-Francis Magalona na sikat na sikat noong 90s. Iyon daw ang pakay niya noon sa Octo-Arts na at that time ay nag-venture na rin sa films production bukod sa recording.

 

Na-spot-an daw siya ng yumaong action films director na si Willy Milan at hindi na siya pinakawalan. Ni hindi na pinag-audition at sinabak na bakbakan.

 

But at that time, marunong daw siyang mag-rap. Akalain n’yo ’yon? Ngayon daw ay regalo nalang ang nira-wrap niya.

 

Sa pagkakatanda niya, he’s done 48 starring roles since. Hindi na raw niya binilang ang mga supporting roles lang siya. When he eventually laid low, sumabak na sa mga dramas and teleseryes. And in all those years, wala daw production na nag-attempt sa kanyang mag-alok ng gay role. Even a kloseta gay. Si Darryl Yap lang daw ang nakakita na p’wede din pala siya. Nataon naman kasi na may pagka-aksyon din ang Barumbadings.

 

And speaking of Barumbadings, um-attend daw siya sa pitching na natatawa-tawa dahil hindi siya sure kung seryoso ang alok o binibiro lang siya nina Boss Vic ng Viva.  

 

Sa isip daw niya: “Ano kayang gagawin ko do’n? Ano kayang role ko? Baka may kahalikan akong kapwa ko lalaki, hindi ko kaya ’yon.”

 

No’ng nailatag naman daw, nagustuhan niya, kaya game!

 

Marami naman daw siyang kaibigang bading in and out of showbiz. Okay naman sa kanya ang mga beki. In fact, kung may mag-a-out daw sa mga anak niyang lalaki ay baka ipagpatayo pa niya parlor. Kung saan daw masaya ang mga anak niya ay hindi naman niya sisikilin. Ang hindi lang siya pabor ay sa same-sex marriage na involved ang church (na sa press conference naman niya na-eloborate). Usapang paniniwala na ’yon.

 

But after doing Barumbadings, kung saan marami silang kasamang real-life bekis sa set, mas na-appreciate daw niya ang mga mundo ng mga beki, na masaya daw.

 

Ang ininda lang niyang maigi ay ang pagsusuot ng high heels. Ang hirap daw pala. Hirap na hirap daw siyang hindi magmukang sakang. Haha! Pero naitawid naman.

 

Kaya maski siya ay excited na ring mapanood ang kabuuan ng his most challenging film yet, ang Barumbadings na mapapanood na sa Vivamax starting November 5.

 

Pero bago ’yon, panoorin n’yo muna ang beki tsikahan namin ng poging-pogi pa ring si Jeric Raval.

 

Please click the video link above for the full interview.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.