Exclusive: Kay Sarah Geronimo na mismong nanggaling: “medyo buwis-buhay po” ang pa-stunt niya sa Tala The Film Concert

Instead na usual Zoom press conference, nag-decide ang team ni Sarah Geronimo na paupuin si Popstar Royalty para sagutin—on video—ang kanya-kanyang katanungan ng entertainment media tungkol sa nalalapit niyang epic 18th anniversary concert, ang Tala The Film Concert.

Isa sa naitanong ng pikapika.ph ay kung naging hatid-sundo ba siya ng asawa niyang si Matteo Guidicelli during her shoots sa Araneta Coliseum.

“Opo, mga kaibigan,” naka-bungisngis na panimula ng obviously blooming na si Popstar. “Actually, kasama ko po ’yong asawa ko sa buong duration ng concert na Tala.”

Meaning, hindi lang nagha-hatid-sundo si Matteo, kundi naka-babad at naka-bantay din. 

We also asked kung paano pa nila ni-level up ng kanyang concert team ang production number para sa ultra-hit song na “Tala” na siyang inspiration behind the concert. 

(Ang “Tala” the song, co-written by Nica del Rosario and Emmanuel Sambayan, became one of Sarah singles in her 2015 album na The Great Unknown. It became the most-played OPM song in 2016. But by 2019, it gained a new level of popularity nang mauso ang Tala Dance Challenge sa social media—dahilan para ang music video ni Sarah para dito ay magtala ng 170 million views on YouTube alone!)

“This show is dedicated po talaga especially sa mga tumangkilik sa song na ‘Tala,’” esplika ni Sarah. “So, for this particular song we found away kung pa’no po ito maipaparamdam sa kanila na parang magkakasama talaga kami sa venue. So, abangan po ninyo.” 

Ang lastly, kinumpirma namin kay Sarah kung totoo bang “may danger involved” sa pa-stunt na ipinagawa sa kanya ng kanyang creative team for one production number. Balita namin ay nagpagawa pa ng isang mechanical devise para lang sa number na ito.

Kay Tala The Film Concert director Paul Basinillo unang na-kumpirma ng pikapika.ph ang tungkol sa pag-i-stunt ni Sarah na diumano ay total level up sa mga dati na nilang naipagawa na kay Sarah noon. 

“Oo, meron siyang ginawang kakaiba dito...I don’t want to preempt kasi gusto namin makita ito ng audience first time,” pambibitin ni Direk Paul na ekslusibong nakapanayam ng pikapika.ph kamakailan. “Pero basically pinaghandaan niya mabuti ito... kami din mismo sa technical team ’yong paggawa ng set na ’yon parang lang specifically for her.  

“Alam naman natin na hindi lagi-laging nag-i-stunt si Sarah— actually never sa mga concert niya. Hindi namin siya na-harness, hindi namin siya sinabit, hindi namin siya nilagay sa tugatog... kumbaga ano lang hangin [effect] lang ganyan, tatayo sa dulo...pero basically ito kakaiba ito. I think [this is] one of the first time na gumawa siya ng stunt talaga na may danger.”

 

Patikim naman ni Sarah:

“’Yong stunt na ’yon ay ginawa ko for the song ‘Ikot-ikot,’ so literally may pag ikot-ikot po akong ginawa dito. Abangan po ninyo kung paano namin siya ginawa nakaka-amaze...nakaka-amaze. Hahaha! Ako, na-amaze ako, e.”

At dito na nga niyang inaming slightly buwis-buhay ito. Kaya naman siguro naka-bantay si Papa Matteo.

“Ga’no siya kahirap? Parang medyo buwis-buhay po siya,” naka-bungisngis pa ring tsika ni Sarah. “Pero kinaya naman po dahil guided po ako ni Teacher Georcelle [Dapat-Sy of G-Force] at mga tao sa set. So, kinaya naman.”

As homage to Tala the hit song and Sarah’s flawless rendition of it, comes Tala The Film Concert, a one-night only engagement that’s directed by Paul Basinillo. Its musical direction is by Maestro Louie Ocampo; art direction by Georcelle Dapat-Sy; and styling by Bang Pineda.

Tala The Film Concert will have its global premiere on March 27, 2021 via the streaming platform, ktx.ph.

Tickets are priced at P1,500 for regular and P3,000 for VVIP.

RELATED LINK:

SNEAK PEEK at some of Sarah Geronimo’s looks for the Tala The Film Concert

Tala: The Film Concert director Paul Basinillo, quoting veteran photographer Jun de Leon, describes Sarah Geronimo as “a chameleon.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.