EXCLUSIVE: LEGASPI TWINS CASSY & MAVY, NAGBUKINGAN!

Toddlers palang ay exposed na sa limelight ang Legaspi twins na sina Cassy and Mavy. Napaka-ku-cute naman kasi kaya hindi sila ma-resist ng mga brands na gawing endorsers. Naging suki sila, along with both or either of their parents sa mga TVCs and through the years, na-exposed na sila sa buhay-showbiz. 

Gaya ng ibang bagets from showbiz lineage, hindi na rin na-resist ng kambal ang tawag ng acting and performing. 

Sa exclusive interview ng pikapika sa kambal, sinabi nilang sixteen sila nang maramdaman nilang gusto na nilang pasukin talaga ang mundong ginagalawan ng kanilang mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Pinayagan naman daw sila bagama’t half-hearted dahil mas gusto ng mag-asawa na mas mag-pokus sila sa pag-aaral. But once they reached 18 daw, pina-ubaya na ng parents nila ang pagde-desisyon sa kanila.

Ang compromise lang ay dapat hindi mapabayaan ang pag-aaral and both are trying their best naman to juggle both. In fact, bago sumalang sa aming Zoom interview ay kagagaling lang daw ni Mavy sa kanyang online class.

After ng exposure nila sa All-Out Sundays ng GMA-7 at sa family online show nilang Sarap, ’Diba?, mukang handa na ang good looking and smart Legaspi twins for bigger challenges. Cassy will go ahead by starring in her first acting role in First Yaya na pagbibidahan ni Sanya Lopez at Gabby Concepcion; habang si Mavy naman ay mukang may nilulutong pasabog sa 2021.

We’re excited for the two. Pero mas excited kaming mapanood n’yo ang kulitan nila sa aming exclusive interview kung saan very candid nilang ibinuking ang mga ugali ng isa’t isa gaya ng kung sino ang kuripot, mapaniwalain, pikon, mahirap gisingin, at mas matagal sa banyo.

Tara, mas kilalanin natin ang mga future matinee idols na sina Mavy at Cassy.

Kindly click the video above.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.