Exclusive: Louise delos Reyes, borderline tanga daw magmahal at magpaka-martir noon

Ang namayapang iconic film director na si Direk Peque Gallaga pala ang nagbinyag kay Louise delos Reyes ng screen name niyang ito na malayong-malayo sa real name niyang Mary Grace delos Reyes Perido.

 

Naging director at mentor niya kasi ang Ilonggo director sa pelikulang Agaton at Mindy noong 2009 at hindi raw nito feel ang kanyang real name. At dahil uso noon ang mga androgynous names gaya sa ng Joey, Alex, at Toni, kaya binigyan din siya ng male-sounding name para daw “may mystery.”

 

And she decided to stick with it.

 

At dahil nawili na sa showbiz, hindi na nagamit ni Louise ang tinapos niyang kurso na Foreign Service. Naging maganda naman kasi ang takbo ng kanyang career sa GMA-7 noon. In fact, leading lady at solo status na siya doon noon. But in 2017, she made a decision to no renew her contract with the Kapuso network and transfer to Viva dahil gusto umano niyang mas mag-explore pa in terms of roles especially sa pelikula, na natupad naman as she’s been given roles from comedy to drama to offbeat gaya ng as a nonchalant wife sa recent Vivamax movie na The Housemaid.

 

This time, as the lead actress in The Wife, she is poised with the challenge of playing as a wife who needed to make the ultimate sacrifice na i-share ang kanyang dying husband—as per his death wish—on his last days on earth, sa kabit nito.

 

Premise palang, emotionally draining na. At aminado si Louise na in real life, baka hindi niya ito kaya sakaling the same situation presents itself (wag naman sana, knock on wood).

 

But just for the purposes of discussion, hindi raw niya papayagan.

 

“Hindi ko kaya kasi ano ako, e, kapag mahal ko...like sa nanay ko dati, gusto ko ako nag-aalaga. Hands on ako, e. Ayoko ng tinutulungan. Tapos, the fact na ang tutulong sa akin ’yon pa [kabit], aaah...territorial ako, e. Para akong mga aso ko.”

 

Pero kung forgiveness daw ang pag-uusapan, in such cases na naliko ng landas ang lalaki at humingi ng tawad, baka raw sakaling p’wede naman niyang ma-consider na patawarin.

 

“Hindi ko masabi...madaling sabihin ngayon na di ko kaya o kaya ko. Pag nandoon ka sa sitwasyon na ’yon, naniniwala ako na bababa pa rin ’yon sa kung gaano ka-deeply-rooted ang naging relationship n’yo. Baka mahirap siyang i-let go na, okay, may kasalanan pero ’yong memory at commitment n’yo sa isa’t isa through the years, mahirap itapon ’yon. Hindi ko alam ’yong rational na sagot. Hindi ko alam.”

 

Basing from her answer, tila mataas ang threshold niya sa emotional pain. Kaya niya palang lumunok ng pride a magtiis?

 

“So far, three years ang kaya ko,” esplika niya about her patience level. “Sa mga past relationships ko, medyo tumodo na ako. Hindi ko alam. Medyo martir ang nanay ko so baka namana ko ’yon sa kanya. Hahaha! Hindi ko alam, e. Pero hangga’t kaya, kakayanin. Kapag mas malaki pa ’yong pinanghahawakan ko, kakayanin. ’Yong pagka-martir ko yata, borderline tanga. Haha!—Pero dati ’yon, dati.”

 

Ang The Wife ay mapapanood na sa Vivamax starting February 11. Directed by award-winning director Denise O’Hara, this dramatic piece also stars Diego Loyzaga and newbie Cara Gonzales.

Samantala, ang aming exclusive interview naman kay Louise—about relationships and life updates—ay mapapanood na sa aming Pikapika Showbiz YouTube Channel.

Just click on the provided link above.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.