Exclusive: Lulu stars Rhen Escaño and Rita Martinez, level-up na ang friendship; nag-New Year together

Passion project ni Lulu creator and director Direk Sigrid Andrea Bernardo ang Vivamax GL (Girls Love) series na Lulu in the sense na gusto niya itong maging vehicle for members of the LGBTQ++ to shine on and off-cam.

 

She wanted to cast a real lesbian as one of the main actors, lesbians sa supporting cast at maging sa production staff. Equally talented—and most times even better—din daw naman sila kaya lang ay hindi nabibigyan ng chance dahil kokonti ang platforms for them.

 

She found Rita via an audition and paired her with Rhen Escaño, who found this project a breath of fresh air from her usual sexy-drama roles. Moreover, this became an important project for her precisely because of that...dahil gusto nga niyang matunayan na kaya niyang mag-romcom at gumawa ng acting projects magpapakita ng other side niya.

 

In pairing up the two, mukang natupad din ang dream ni Direk Sigrid na makagawa ng LGBTQ loveteam. Well, it’s too early to tell. Pero kung chemistry ang pagbabasehan, malakas ang ine-emit no’ng dalawa. Bagay sila onscreen—even sa Zoom. At nang tinadtaran na ng mga kilig eksena sa series,

They delivered dahil nakakakilig ang trailer.

 

November 2021 nang unang iharap sa press sina Rhen at Rita to introduce this project. At that time, hindi pa sila nagkikita in person, puro Zoom talkies lang.

 

Fast forward to today, mukang malaki na ang ni-level up ng friendship no’ng dalawa to the point na nagkakaroon na daw sila ng mga “cute” tampuhans. Whatever that means.

 

When we got to talk to them exclusively for our YouTube content, nagulat kami sa isinagot nila kung nag-coffee date na ba sila or nakita beyond work noong lumuwag ang mga safety protocols during the Holidays.

 

“Magkasama po kami no’ng New Year...medyo late [part] na,” tsika ni Rhen. “Nagkayayaan lang kami nila miss Dolly [de Leon, their acting coach]. Sabi ko, ‘Okay.’ Ang lapit po namin sa isa’t sia, e. Sabi ko, ‘Why not.’”

 

“Opo, sinelebreyt po namin ang New Year,” pag-echo ni Rita.

 

Big deal ’yon, ah. Family levels. Hindi naman sa inili-link namin sila...pero kinilig kami knowing na pareho silang single.   

 

Anyway, never daw nagka-lesbian suitor si Rhen pero wala naman siyang homophobia. Hindi rin siya nagsasalita ng tapos kung yes or no siya sa lesbian relationship. Que sera sera, kumbaga. Pero malinaw na she has always embraced them as human beings. At lalo na raw ngayon na masasabi niyang she’s found a friend in one of them sa katauhan ni Rita.

 

“Even before pa naman po, no’ng ginawa ko ’yong Adan, binuksan ko talaga ’yong isip ko sa LGBT, sa mga lesbians...in-embrace ko talaga sila. More so ngayon na may nakasama ako na member ng LGBT. At hindi lang po ’yon, lahat po kasi ng staff na kasama namin sa Lulu... lahat sila, e.

 

“So, mas nakilala ko sila, mas in-embrace ko sila...na eto ’yong mga tao na hindi naman sila talaga mahirap kilalanin at mahalin at maging kaibigan. So, yes, I guess mas lumalim ’yong pananaw ko, ’yong pakakailala ko sa mga taong ito and thankful ako actually na may mga naging kaibigan ako sa community...masaya...masaya...masya silang kasama.”

 

“Of course!,” proud na singit ni Rita sa kabilang frame.

 

Aminado si Rita na naki-stereotype din siya noong araw when it comes sa mga lesbians...na nabali nan ngayon.

 

“Akala ko kasi kayo ’yong mga serious type, di ba? Like sa gays [bekis], medyo loud sila...hindi, walang pinagka-iba sa mga gays.”

 

Rita, for her part, found Rhen very endearing.

 

“She’s very nice, very kind...she’s very vocal, which is good kasi no pretensions. And hindi mahirap maging open sa kanya about anything kasi malawak ang pag-iisi p niya, matalino siya. Tapos maganda pa. Nasa kanya na lahat.”

 

Tila na-flatter naman si Rhen sa mga binitiwan ni Rita. But for her part, she simply appreciates to have found a true friend daw ni Rita.

 

“Parang nakahanap ako ng ...lagi ko namang sinasabi na mahirap makakita ng magiging kaibigan mo sa showbiz at kung makahanap ka man ng taong magiging comfortable enough ka to share something na hindi mo naman ganoon ka-ino-open ang sarili o sa iba...

 

“So, I think masuwerte ako na may mga tao akong nakilala na like Rita na naging totoo sa akin—’yon kasi ang basehan ko, e, kailangan kong ma-feel na totoo ’yong isang tao sakin dahil mahirap talagang makakita ng totoo ngayon, sa totoo lang.

 

“And na-feel ko yan sa kanyan kaya hindi ako nahirapan maging comfortable, na mag-open up ’yong mga hanash-hanash ko sa life, di ba? Na-shi-share ko sa kanya. Nasa ganoong level na ’yong pagkakailala ko sa kanya.”

It’s level up, indeed.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.