Exclusive: McCoy de Leon, proud sa dami nang nag-a-apply na ninong at ninang ni Baby Felize

Nakahinga na nang maluwag si McCoy de Leon, gayun din ang girlfriend niyang si Elisse Joson, na naipakilala na nila sa publiko ang cute na cute at masayahing baby nila na si Baby Felize na sa Amerika ipinanganak seven months ago.

 

“Medyo wala nang kaba, konti nalang s’yempre sa health lang [because of the pandemic]. Pero ’yong approach, ’yong magiging ano ng tao, reaction? Awa ng Diyos po, okay naman. Maraming-maraming salamat,” bungad sa amin ni McCoy for his second exclusive interview with pikapika.ph.

 

Last week of October lang kasi nang umupo siya sa amin for his baby revelation. Ay kabang-kaba pa siya noon. Pinauna lang namin ang revelation nila sa Bahay ni Kuya, kung saan kinuha pa nilang Ninong ni Baby Felize si Big Brother dahil malaking bahagi nga naman ng kanilang buhay si Kuya.

 

Ang speaking of Ninong and Ninang, natanong namin si McCoy kung malapit na ba ang binyagan. Baka daw next year na pagkatapos ng mga Holiday festivities. Ayaw pa din niyang i-reveal ang mga ninong at ninang na napili niya.

 

Actually, hindi na nga pili dahil ang dami daw nag-a-apply at tuwang-tuwa daw sila ni Elisse dahil doon.

 

“Hindi namin akalain na may magpi-prisinta...pero s’yempre given na ’yong family, kapatid ko at mga nakasama ko na malapit sa akin.

 

“Natutuwa sila [sa amin] kaya nakakagulat din...nakaka-proud pala. ’Yon pala ’yong feeling ng magulang na napa-proud. Sobrang priceless.”

 

Happy baby kasi si Felize, sabi namin, kaya maraming natutuwa dito.

 

“Sana nga po dire-diresto hanggang pagtanda niya.”

 

At confirmed, siya nga ang kamukha! Hindi ba nagseselos si Elisse?

 

“Naku, ayoko nalang po magsalita. Hahaha!”

 

Kung pagbabasehan ang mga vlog entries  nila ni Elisse—na lumalabas sa YouTube Channel ni Elisse—tila wala nang mahihiling pa si McCoy at this point. Kitang-kita ang kaligayahan nilang pamilya.

 

“Nagustuhan na rin po naming ang pagba-vlog. Noong una, nahihiya pa kami,” pag-amin niya.

 

Naisip daw nilang gawing repository of memories ang YouTube tutal ay nandoon lang naman ito lagi.

 

Nakyutan kami sa latest vlog nilang mag-lovebirds, ’yong “Can’t Say No Challenge” kung saan natalo si McCoy sa jack en poy kaya’t si Elisse ang taga-hiling at siya ang taga-sunod. Ang culminating part ay “reregaluhan” pala niya ng isang pink Hermes bag ang girlfriend na bale belated birthday gift. Pero sabi nga ni Elisse, nabudol daw niya si McCoy.

 

Kung siya daw ang nanalo sa jack en poy, baka hindi daw nag-click ang vlog.

 

“Ayokong pahirapan ’yon, e.”

 

Pati ang mama niya at si Elisse ay magka-jamming. Less stress ito para kay McCoy. Mahirap kasi pag hindi magkasundo ang mga in-laws.

 

“Sabi ko nga po sa inyo before sa unang interview, sila nga po ’yong mas close,” nakangiting say ni McCoy. “And good thing po ’yon talaga para sa akin.”

 

Samantala, si McCoy ang napiling gumanap bilang teenager Isko sa biopic nitong Yorme: The Isko Domogoso Story and according to him, bilang taga-Tondo rin siya, kahit naman hindi niya na-meet si Isko prior to this project at kilala niya ito at bilib siya dito. Sikat nga daw kasi sa lugar nila si Mayor Isko.

 

For his part, kinabiliban daw niya ito nang malinis nito ang Divisoria na kinalakihan na niyang marumi.

 

“Kasi taga-Divisoria nga po ako, di ba? So, no’ng nililinis niya ’yong Divisoriao, sabi ko, ‘Hala ang galing, ah. Nalilinis pala ’yon? Kasi du’n ako dumadaan tuwing nag-aaral po ako, du’n ako naglalakad. Ang dami talagang [bulok na] gulay doon after ng night market. Kaya ayon, nakakatuwa. Doon ko siya talagang sobrang...’Ah, siya pala si Mayor Isko.”

 

Hindi naman daw niya maitatanggi na di hamak na mas matindi ang pinagdaanang hirap ni Mayor Isko noong kabataan nito kumpara sa kanya. Siya daw ay naging marusing lang pero never umabot sa pangangalakal ng basura at pagpa-padyak. If anything, nakikitulong-tulong lang sa barbekyuhan ng lola niya.

 

Kung meron man daw siyang part ng buhay ni Isko na na-relate-an, yon ay noong nag-aartista na ito. Alam daw niya kasi ang sakit ng feeling kapag nere-reject dahil marami rin siyang dinanas na ganoon. St alam din niya ang feeling kapag nakakapasa sa audition o sa isang proyekto.

 

Ang pinaka-challenge lang kay McCoy sa buong shoot nila is the sing-and-dance portion bilang musical ang napiling genre ng biopic producer na Saranggola Media Productions. Kahit may theater background siya dahil sa tatay niyang theater actor, hindi raw siya sanay. But he’s hoping na nai-deliever niya nang maayos.

 

Ang Yorme is scheduled to premiere on December 1 sa mga sinehan.

 

Pero bago ’yon, paanorin n’yo muna ang aming  exclusive life update interview with McCoy de Leon by clicking the video link above.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.