Exclusive: Palitan actors Rash Flores at Cara Gonzales, may magkaibang pananaw pagdating sa indecent proposals

May magkaibang pananaw ang showbiz newbies at sexy-drama actors na sina Rash Flores at Cara Gonzales when it comes to indecent proposals na natatanggap nila. 

Co-stars kasi sa upcoming sexy-drama movie na Palitan - directed by Brillante Mendoza - kung saan todo-bigay ang dalawa sa mga daring scenes nila sa pelikula. On a regular day naman ay panay din ang post nila sa kani-kanilang Instagram ng mga sexy photos for their fans at para na rin mai-promote ang movie.

Dahil dito ay hindi malabo na makatanggap sila ng indecent proposals mula sa mga taong hindi mapigilan ang damdamin at hindi mai-separate ang onscreen persona nila sa tunay na buhay nila.

Ang papanaw nila tungkol dito ang inalam namin sa exclusive virtual interview namin sa kanila.

Para kay Rash, normal lang daw na may mga nagpaparamdam sa gaya n’yang sexy actor. 

“Hindi maiiwasan [na makatanggap ng] indecent proposal na ’yan lalong-lalo na sexy star ka, ’di ba? Hindi mo maiiwasan ’yon,” lahad ng newbie actor na may pinahalo-halong dugong Pinoy, American, at Pakistani.

“’Yong mga hindi naghuhubad [onscreen] nakakatanggap sila ng ganu’n, paano pa kaya kami? Makakatanggap at makakatanggap ka ng ganu’n. Hindi mo maiiwasan ’yon,” paliwanag pa n’ya.

Tsika pa ng Kapampangan actor, pera daw ang kadalasang ino-offer sa mga indecent proposals na kanyang natatanggap. 

“Money lang pero hindi naman ganu’n kalaki,” pagbabahagi ni Rash. “Hindi naman ako sikat para offer-an nang malaki. Siguro nase-sexy-han lang sa akin, hinahangaan nila ako kaya nakakatanggap ako ng ganu’n.”

Unlike sa ibang male celebrities na naiinsulto sa tuwing makaka-receive ng mga ganitong uri ng pangse-seduce, compliment daw ito kung ituring ni Rash. 

“Hindi pumapasok sa isip ko ’yong insulto kasi… Kailangan nga magpasalamat ka kasi gusto ka ng isang tao,” aniya. 

“Thankful ako pag dating sa indecent proposal kasi parang naa-appreciate ka nila, ‘Gusto ako nito. Type ako nito.’ Naa-appreciate ko ’yon.”

Salungat naman dito ang co-star n’yang si Cara. Pakiramdam daw kasi ng aktres ay mababang babae ang  turing sa kanya ng sinumang nagpapadala ng indecent proposal.

May mga nag-aalok daw kasi sa kanya kapalit ng pagpo-pose n’ya ng nude. 

“Nag-o-offer ng pera. ‘P’wede ka ba sa ganito? P’wede ka ba sa ganyan?’ S’yempre maloloka ka. Magugulat ka lang din. Ma-o-offend kasi din sa pose na hinihingi,” lahad n’ya sa amin via Zoom. 

“Hindi naman ’yon kasama sa trabaho [ko], iba na [’yon]. Nakaka-offend din kasi artista ako, e. Hindi naman ako [ganu’ng klase ng babae].”

Hindi lang ’yon dahil naha-harass din daw s’ya minsan kapag nagpo-post s’ya ng sexy photos sa Instagram. Nire-report daw kasi ng ilan ang kanyang kanyang promotional IG post ng isa pa n’yang pelikula na Pornstar 2: Ang Ikalawang Putok. 

“May mga nagre-report din sa mga post [ko]. May nagre-report tapos minsan nawawala ’yong post ko. Katulad kahapon, nag-post ako ng sexy picture tapos nakalagay doon ‘Pornstar.’ Tapos may nag-report na agad,” pagtatapat ni Cara. 

“S’yempre, hindi naman nila alam ang ibig sabihin ng pornstar, e. Ni-report agad tapos nawala na ’yong post ko. Pag sinabing pornstar iba na agad ’yong nasa isip nila. Hindi nila maiintindihan kahit i-explain mo,” dagdag pa n’ya. 

Gayunpaman, parehong positibo ang dalawa na maganda ang magiging outcome ng kanilang movie na Palitan at magbubukas ito ng maraming oportunidad para sa kanila sa showbiz. 

“Gaganda ang karera namin dito, kaming lahat na mga actor dito kasi unang-una, si Brillante Mendoza [ang direktor namin],” sagot ni Rash ] about his expectations. 

“Kailangan d’yan kung ano ba ang natutunan mo sa shooting na ito. S’yempre nu’ng nag-shooot kami ang dami naming natutunan na hindi namin nagagawa in the past. Tinuro sa amin ni Direk Brillante ’yon,” he added.

“’Yon ang  ini-expect namin, na maganda ’yong kalalabasan nito and mababahagi namin sa mga netizens itong pinagpaguran namin sa Pola, Mindoro,” he concluded.

Tiwala naman si Cara na worth it ang effort na inilaan nila sa pelikula para mapaganda ito. 

“In-expect ko talaga na sobrang ganda ng kalalabasan ng movie. Kasi lahat kami nagpagod. Lahat kami, binigay namin ’yong best namin. Kahit na mahirap maghubad sa kamera nagawa namin na maganda ’yong [mga eksena],” sabi n’ya. 

“S’yempre, sabi nga ni Rash, [we have] Brillante Mendoza, ang ipinagmamalaki namin na direktor ’yan. Siguro wala namang ginawa si Direk Brillante na hindi magandang movie. Lahat panalo,” pagtatapos ni Cara. 

Maliban kina Rash at Cara Gonzales, kasama rin sina Jela Cuenca at Luis Hontiveros sa pelikulang Palitan na mapapanood na simula December 10 sa Vivamax. 

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.