EXCLUSIVE: Patricia Javier at Doc Rob Walcher, jackpot sa isa’t isa

July 2003 nang pumunta sa America si Patricia Javier, kasama ang iba pang artistang Pinoy, for a series of shows na ililibot sa iba’t ibang States. First stop nila ang San Diego, California, kung saan maraming naninirahang Pinoy.

 

Hindi inakala ni Patricia na magiging malaking bahagi pala ng buhay niya ang San Diego dahil dito niya pala makikilala ang magiging ama ng mga anak niya at ang makakatuwang niya sa buhay.

 

Sa after-show dinner, ipinakilala ng kanilang common friends ang dalawa. And they hit if off instantly. May connection daw agad between Patricia and this hunky chiropractor known as Doc Rob Walcher.

 

Hindi na nagsayang ng oras si Doc Rob at inimbita si Patricia na maki-hang out sa grupo nila. At dahil hindi magtatagal ng San Diego si Patricia, inimbita niya si Patricia for a morning date kinabukasan. Naka-takda na kasing umalis ang grupo nina Patricia at si Doc Rob naman ay may flight din to another state.

 

Last chance ’yon for Doc Rob na makita in person si Patricia, na nagpa-unlak naman dahil type din niya a ng guwapong bone doctor.

 

Inilibot ni Doc Rob si Patricia sa magagandang lugar sa San Diego, partikular na ang La Jolla cove beach na very romantic umano.

 

At sa “date” na iyon, ani Patricia, ay nag-attempt na palang umiskor si Doc Rob. Gusto umano siyang halikan! 

 

“That’s the last time I’m gonna see her and she’s a movie star, so you know, you wanna kiss a movie star,” depensa ni Doc Rob.

 

Pero pina-iral ni Patricia—kahit aminadong “gustong-gusto ko siya”—ang pagiging dalagang Filipina at sinabihan si Doc na: “Maybe next time.”

 

Ang next time ay naganap December that same year nang sumunod si Doc Rob kay Patricia sa Pilipinas. Dito siya nag-Pasko at nag-Bagong taon noon.

 

But prior to that, non-stop na naglo-long-distance call ito kay Patricia dahil wala pang social media at hindi pa gano’n ka-bongga ang emails noon.

 

In 2005, nag-decide si Patricia na iwan ang pamilya at acting career sa Pilipinas para sundin ang tawag ng puso. Lumipad ito sa San Diego at nagpakasal civilly kay Doc Rob.

 

“There’s this man who really...pursigido sa akin,” pagbabalik-tanaw ni Patricia. “Sabi ko noon, baka pag pinakawalan ko itong chance na ito...sabi ko ’yong career naman, nandiyan lang naman siya pero itong ganitong klaseng tao na nararamdaman ko na pure ’yong pagmamahal sa akin,, baka hindi ko na ito ma-experience ulit.”

 

At dahil hindi sanay na walang ginagawa, nag-aral nang kung anu-ano si Patricia doon, bukod pa sa tumatanggap pa rin siya ng mga singing engagements doon.  But aside from that ay rumaket din si Patricia bilang DJ at aesthetician sa isang beauty clinic doon.

 

Nang nag-dalawa na ang kanilang anak, naisipan nilang subukang mamuhay sa Pilipinas for a few months (to maybe a year) para na din sa mga bata. So, by 2015, after maibenta ang bahay at ang chiropractic clinic ni Doc Rob doon, ay umuwi sila ng Pilipinas.

 

Subok lang daw talaga noong una at wala sa plano nila ang dito na manirahan. Pero habang nandito ay nagbuo silang mag-asawa ng mga outreach programs at lectures about chiropractic treatments. Tila maraming nasiyahan sa mga naka-subok ng bone adjustments ni Doc Rob at pinipilahan na umano siya sa kanilang condo unit.

 

Dito na nila naisipang magtayo ng clinic at kumuha ng lisensya para makapag-practice dito si Doc Rob. At that time, pang-37th lang umano si Doc Rob sa lisensyadong chiropractor.

 

Sa ngayon, may apat na branches na ang kanilang wellness clinic, with the Tomas Morato, Quezon City branch as the flagship clinic.

 

At dahil walang chiropractic school sa Pinas kaya umi-import muna sila ng mga chiro doctors sa America. Doc Rob takes care of the patients habang sa business at marketing side naman si Patricia.

 

Pero kahit anong busy daw nila, they always set aside time for their guwaping sons—Robert IV, 13 and Ryan James, 8—na kapwa adjusted na rin sa buhay-Pinas.

 

Say ni Patricia, maswerte umano siya kay Doc Rob dahil mabuting asawa’t ama daw ito. In fact, maski sa mga tauhan daw nila ang mabait at generous din itong boss. In short, he’s simply good human being—na perfect match kay Patricia na isa ring mabait na nilalang.

 

Pero ayon kay Doc Rob, siya ang mas maswerte kay Patricia dahil magkasing-ganda nga raw ang pang-loob at pang-labas na anyo nito. Moreover, very thankful daw siya na dinala siya nito sa Pilipinas dahil mas nabigyang-kahulugan ang propesyon niya na ine-embrace na ngayon ng mga Pinoy.

WATCH PART 2:
 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.