EXCLUSIVE: Paul Salas at Taki Saito—buking na mag-dyowa dahil sa body language?

Kahit pigain sina Paul Salas at Taki Saito ay consistent na “we’re just friends” ang sinasabi nila pag natatanong tungkol sa special closeness nila. Ang improvement lang sa statement ni Taki ay friends sila pero “p’wedeng pumunta doon.”

Nagkakila at nagsimula ang closeness ng dalawa tailend of 2018, na medyo wrong timing dahil that same year ay umalis at nag-base na sa Japan ang dating Eat Bulaga! regular na si Taki, kung saan may career siya ngayon bilang member ng J-Pop group called Faky.

Pero hindi naging hadlang ang distance sa closeness nila. In fact, si Taki na rin ang nagsabi na minsan nang dumalaw sa kanya si Paul doon.

At nito lang last week of December until January 10 ay nasa Pilipinas si Taki para alagaan ang kanyang yaya of nearly 20 years na nagkasakit at sa kasamaang-palad ay punanaw din noong December 21. Althoughout the sad ordeal ay aminado si Taki na kasama niya at laging nasa tabi niya si Paul.

To the unfamiliar, si Taki Saito ay dating talent ang Triple A management ni Mr. T (Tony Tuviera) at naging regular co-emcee ng Eat Bulaga! She was party of some GMA-7 blocktimer shows such as Ismol Family and Calle Siete at nabigyan ng break na magbida sa Youth-oriented dramedy na Trops, kung saan naka-loveteam niya ang Eat Bulaga! find na si Kenneth Medrano. Nasa Japan na si Taki nang ipalabas ang psychological horror movie niyang Banal, where she starred alongside Bianca UmaliMiguel TanfelixAndrea Brillantes, and Kim Last. 

Samantala, naging saksi ang pikapika.ph sa “special closeness” ng dalawa. 

Ilang oras kasi bago ang flight ni Taki pabalik ng Japan ay dumaan muna siya sa belated 50th birthday party ni Michael V., na dati niyang ka-Dabarkads sa Eat Bulaga!

Na-witness namin kung gaano sila ka-inseparable. Ipinakilala pa ni Taki si Paul sa kanyang ate Pia Guanio at sa asawa nitong si Steeve Mago at nagsilbi pang photographer ni Taki ang Descendants of the Sun star. 

But more than that, na-witness namin ang mga special body language at gestures nila towards each other that seem to belie their unified statement na “friends” lang sila.

Anu’t anuman, muka namang happy sila. Moreover, bagay sila. 

Watch the video, guys!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.