Exclusive: Ryza Cenon, aminadong may post-partum [depression] pa rin

During our sit-down zoom interview with Rooftop lead star Ryza Cenon, agad naming siyang biniro na sundan na ang guwaping niyang anak na si Night dahil ang bilis nitong lumaki.

 

“Okey na po ako. Hahaha!” natatawang reak niya sa amin. “Mahal po ang tuition.”

 

Biro ulit namin, dapat may mini Ryza dahil si Night ay carbon copy ng kanyang daddy na si Miguel Cruz.

 

“E, paano kung hindi mini Ryza, paano if lalaki ulit? Ano gagawa ulit? Kamuka ko naman po siya (Night) in person. Hahaha!”

 

“Okey na po ako sa isa,” dagdag niya.

 

Tila seryoso si Ryza na wag nang bigyan ng kapatid si Baby Night. Aminado kasi siyang hirap siya sa pagiging nanay. Don’t get her wrong daw, masaya at masarap daw maging nanay pero hindi niya raw inakalang marami rin itong down side na kasama.

 

“Physically and mentally mahirap siya,” pag-amin niya. “Kahit magtu-two years na, meron pa rin po akong postpartum [depression]. May mga times talaga na parang gusto ko nang mag-give up, gano’n.”

 

Feeling niya kasi ay hindi pa siya nakaka-recover physically sa lahat ng pagod. Remember, 13 hours siyang nag-labor kay Night noong November 2020, tapos tinutukan na niya ito na halos walang katuwang.

 

“Dahil siguro din, ako lang talaga mag-isa...walag family na nandiyan para tulungan ka, para magkaroon ka ng me-time, ganyan. Meron naman akong katulong, si Miguel minsan. Pero madalas po kasi meron siyang work.

 

(Maaga rin kasing naulila itong si Ryza.)

 

“So, ang kasama ko dito [sa bahay], isa lang po, ’yong  kasambahay namin na matagal na sa akin. E, s’yempre may mga gawaing bahay din...tapos mga delivery-delivery, ganyan.  So, ako talaga nakatutok kay Night.  Wala talaga akong time para sa sarili ko.”

 

Kung tutuusin ay tama lang naman daw ang pag dating ni Night sa buhay niya. Late na nga daw kung tutuusin.

 

“Actually, late na nga kasi thirty-three [years old] na ako no’ng nabuntis. Kumbaga sa mga friends ko, sina LJ [Reyes], Isabel [Oli], Chynna [Ortaleza], ako nalang ang hindi pa...”

 

“Masaya naman maging nanay,” balik niya. “Nakakapagod lang siya pero pag nagkikita mo siyang [Night] masaya, masaya ka na rin. Ngayon nga ang clingy niya kasi nagngingipin. Iihi ka lang, nagwawala na.”

 

 

“Epic talaga maging nanay,” dugtong niya. “Kasi di ba, pag nakikita mo sa movie, parang ang sarap—masarap naman talaga, don’t get me wrong—pero pag tinitingnan mo lang, ang dating, ’yong masaya, maganda ka, parang ang gaan-gaan...In reality pala, ang hirap maging nanay!

 

“Kaya saludo ako sa mga nanay lalo na ’yong maraming anak. Ako kasi isa lang, nahihirapan na ako. Paano pa kaya pag madami tapos sunod-sunod? Ay naku!”

 

At this point, aminado nga si Ryza na pagod talaga siya.

 

“Siguro kasi wala pa akong masasabing pahinga—mula nagbuntis, manganak ...tuloy-tuloy po kasi. Tapos wala pa kaming mahanap na kasambahay o yaya...Feeling ko, katawan ko na ’yong nagsasabi sa akin, plus the mental and emotional side na, ‘Pagod na kami.’ Gano’n.

 

“Pero masarap maging nanay,” pag-uulit niya. “May mga ganito lang na moment na makakaramdam ka ng pagod. S’yempre tao ka lang.”

 

Kung me time nga ay hindi halos siya maka-singit, lalo na daw ang tumanggap ng trabaho. Hindi pa raw talaga ubra talaga. At isa sa nakakadagdag ng lungkot sa kanya ang matagal nang hindi pag-arte.

“Siguro pag sinalang ako ulit, maninibago ako kasi three years na akong hindi uma-arte.

 

“Isang factor pa ’yon kaya nalulungkot ako kasi hindi ako sanay na nandito lang ako sa bahay...naka-miss...nakaka-depress po talaga...

 

“Siguro pag three years old na siya [Night], p’wede mo na siyang sabihan na, ‘O, diyan ka muna ha. Kailangan mag-work ni mama...’”

 

“Nakatanggap naman po ako ng isang trabaho,” dagdag-k’wento niya. “Nakapag-MMK po ako kasi three days lang ang lock-in.”

 

Buti nalang at maraming naka-bangko si Ryza na mga tapos ng proyekto kaya kahit papaano ay visible pa rin siya.

 

Gaya ng Rooftop na bagama’t naipalabas na sa mga SM Cinemas noong April ay muling ipapalabas sa Vivamax.

 

Excited daw siyang mapanood ito ng mga tao na takot pang mag-sine noong April.

 

 

Ang Rooftop ay tungkol sa magbabarkadang nagkatuwaang mag-party sa rooftop ng kanilang dorm at ang isang biro nila sa kasamahan ay nauwi sa trahedya na siyang magdadala sa barkadahan nila ng kung anu-anong otherworldly experiences.

 

Malakas manggulat ang Rooftop—which also stars Marco Gallo, Andrew Muhlach, Rhen Escaño, Ella Cruz, and Marco Gumabao—kaya advise ni Ryza na mas maganda rin kung buong pamilya o barkadahan ang sabay-sabay manood for the synchronized tilian.

 

Today, June 17, na ang worldwide premiere nito sa Vivamax.

 

Kasali rin si Ryza sa Mga Kwentong Epik, isang motion comics series na based on bestselling graphic novels ng Epik Studios. Nag-voice talent si Ryza sa isa sa mga episodes nito, as a modern-day Maria Makiling.

 

Reimagination daw ng mga Pinoy legends and mythology characters for the modern audience ang Mga Kwentong Epik at proud si Ryza to be part of it dahil “original Filipino content ito, not just the story, pati na rin animation.

 

Sa TV5 naman ito mapapanood starting this Saturday, June 17, at 9:30 AM.

 

May iba pang banked projects si Ryza pero hindi pa niya alam kung kailan ipapalabas and that calls for another round of tsikahan.

 

In the meantime, please also watch our full interview by clicking the video link above.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.