Exclusive! This is Showbiz #26: The Ara Mina & Dave Almarinez love story in their own words

Kahit kailan talaga ay hindi kami nagdalawang-salita kay Ara Mina. Nang hilingin naming ma-interview sila together—and in person—ng malapit na niyang maging mister na si Undersecretary Dave Almarinez, agad siyang um-oo. Sabi namin ay bahala na siyang kumumbinsi sa kanyang fiancé.

When we met Dave in person, hindi na kami nagtaka ni Butch Francisco kung bakit na-fall sa kanya ang mabait naming kaibigan. Very charming, warm, at gracioso pala kasi ang president and CEO ng Philippine International Trading Corporation.

Workaholic at multi-tasker si Ara. Aminado siya na noong una ay apprehensive siyang i-welcome sa buhay niya si Dave dahil persistent umano ito at tila gusto nang mag-settle down. At that time, hindi umano siya ready. But as she gets to know the man, na-realize niyang si Dave na ang padala ng langit.

She slowly integrates him in her family’s life, lalo na sa anak niyang si Mandy (na anak niya kay former Bulakan, Bulacan mayor Patrick Meneses). Ganoon din naman si Dave. In fact, ang dalagitang anak ni Dave ay naka-bonding na nina Ara at Mandy sa Boracay.

The foundation was laid, kumbaga.

Kaya naman nang makasilip ng chance si Dave, kumilos na siya para makapaghanda ng isang bongga at kakaibang proposal.

Magla-lock in taping daw si Ara noon sa FPJ’s Ang Probinsyano at matagal na naman silang hindi magkikita. Kaya paspasan na kinausap ni David ang mga kaanak at kaibigan ni Ara to help him set up the proposal na kunyari ay magpapa-rehistro sila sa munisipyo ng San Pedro Laguna, kung saan nakatira ang mga Almarinez. 

Tuliro daw ang isip ni Ara the night prior dahil busy siyang mag-empake para sa lock-in taping, habang hindi niya ma-pin down si Dave dahil busy nga sa secret preparation.

At dahil doon, inaway ni Ara si Dave.

Hala, muntik na palang hindi sumama sa Laguna si Ara! Kung nagkataon pala ay masasayang ang effort ni Usec!

Buti nalang at kumalma din naman at nag-sorry. 

Kinabukasan, she tearily said yes to the question: “Will you marry me?” Lalo pa’t bukod sa kanya ay binigyan naman ng bracelet ni Dave ang anak niyang si Mandy tanda ng pangakong kasali siya sa pakakasalan niya dahil malaking bahagi siya ni Ara.

Past forward to today, busy na ang mag-“Bebe” sa kanilang wedding preparations. Ayaw pa nilang sabihin ang exact date pero definitely daw ay within the year. It’s going to be a Catholic wedding  daw pero ang venue ay garden na may chapel. There will be a max of ten pairs of ninongs and ninangs at sinabi na niya sa amin ang ilan doon.

In fact, on the day of the This is Showbiz interview, ay may bibisitahin silang ninong-to-be. Gusto kasi nilang personal nasasabi ang kanilang hiling kaya’t iniisa-isa nilang puntahan.

Marami pang idinetalye ang mag-sweetheart about their love story and about their upcoming wedding. At yon ang dapat n’yong tutukan sa special episode na ito ng aming online show.

As for us, we’re just so happy that Ara Mina is finally settling down. Congratulations and best wishes!

MORE ‘THIS IS SHOWBIZ’ EPISODES HERE:

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (A): Darryl Yap, nangangakong “kita ang kaluluwa” ng mga artista niya sa Pornstar

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (B): Bare-all tsikahan with Pornstar stars Maui, Ara, Alma, at Osang

This is Showbiz #21: 2021 psychic predictions for KathNiel, AshMatt, Alden, Maine, Coco, Vice, atbp.

This is Showbiz #20: Jewel Mische at ang mala-fairy tale niyang buhay sa Michigan, USA

Exclusive: This is Showbiz #19: MMFF 2020 Best Actress Charlie Dizon, ayaw ipapanood sa parents ang movie niya

Exclusive: This is Showbiz 18: Charo Santos-Concio, ang over achiever na nahulog sa third floor ng bahay at 3 years old

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.