Exclusive: Usapang “It’s Complicated” with Marco Gumabao

Marco Gumabao owned up to his past mistake na minsan siyang natukso costing him a precious relationship. At malaki raw ang natutunan niya dito kaya’t hindi na niya uulitin.

 

Lahat ng nagagawa nating mali, may consequence, and ako pinag-daanan ko na ’yang consequence na ’yan dati,” lahad ng guwapong aktor. “Natuto na ’ko sa ginawa ko before and s’yempre ayoko nang ulitin ’yon diba? Sino ba’ng gustong makasakit o mag-cheat ng isang tao, di ba?”

 

“Saka s’yempre, sa panahon ngayon, pag nahuli kang mag-cheat, trending ka kaagad di ba? So, iwas-iwas tayo sa mga ganyang isyu,” natatawang dagdag  niya.

 

In cheating, isa rin daw sa major consequence is you lose both. And you end up losing both as friends, too. Gaya ng ex-girlfriend niyang aminado siyang na-cheat niya. They’re at least civil daw. Pero mahirap nang mabalik even ang friendship.

 

“Mahirap maging friends sa ex mo especially if nasaktan mo sila,” pag-amin ni Marco. “S’yempre nakakahiya rin on my part. Kung gusto nila, okay; if not, you can’t be friends. Kung ayaw niya. kailangan mo respetuhin ’yon.”

 

At 27, so far ay hindi pa naman daw niya naranasang maiputan sa ulo, so to speak. Or at least, not that he knew of.

 

“Wala pa naman akong nahuli. Hahaha!”

 

Puro complicated relationship situations kasi ang naging topic namin sa aming exclusive tsikahan bilang humugot kami sa complicated premise ng latest movie niyang My Husband, My Lover na iikot sa unfaithfulness.

 

Pero bukod sa cheating, ano pa kaya, para sa isang guy, ang mahirap patawarin o unawain sa isang karelasyon?

 

“Marami kasing p’wedeng factor ang isang relationship...like for example, may mga babae na sobrang toxic, may mga babaeng hindi honest...

 

“Para sa akin kasi pinaka-importante sa isang relasyon is communication. Kahit na gaano ka-ganda pa ’yang babae na yan, kahit gaano pa siya ka-sexy, crush ng lahat...kung walang maayos na communication, kung walang respeto sa isa’t isa,  wala, hindi magwo-work, e.

 

“Dapat lahat ng problema napag-uusapan. Dapat lahat ng gusto o ayaw, pinag-uusapan. Minsan kasi may mga babe na hindi nila sasabihin sa’yo kung ano  problema, malalaman mo nalang sa sister niya o sa best friend mo o sa best friend niya...Hindi niya pinapa-daan sa’yo direkta ’yong mga problema niya sa’yo o problema n’yong dalawa.

 

“Imbes na problema n’yo sa inyong dalawa lang, mas lalong lumalaki,” mahabang esplika ni Marco.

 

Ilan ba ang mga yan sa reasons kung bakit tila ayaw niya muna ng relasyon?

 

 

“Una sa lahat, bata pa ’ko. Haha! Kahit 27 [years old] na ako, parang feeling ko ang dami ko pang p’wedeng gawin.”

 

Based on experience din daw, may tendency daw siyang ma-sidetrack kapag in love. And sa ngayon, ayaw niyang pa-distract dahil maganda nga naman ang momentum ng career.

 

“Ako kasi pag may girlfriend ako, medyo nakaka-apekto sa career—not because ayaw ng fans or what—sa ’kin kasi, todo effort ako sa girl. Oras ko binubuhos ko. So, minsan, parang nakukulangan ng oras para sa trabaho.

 

“Open naman ako pero hindi pa ako todong naghahanap. I date, lumalabas ako with friends. Di naman ako totally nagsa-shut down. Kung may dumating, let’s see. Minsan kasi pag hanap nang hanap, di dumadating; pag di mo hinanap saka dadating.

 

“I’m happy and contented right now. Happy sa family, sa kaibigan, sa relationship ko with God... Alam kong dadating siya, pero sa ngayon, wala pa, e. Wag nating pilitin.”

 

Samantala, ang kumplikadong My Husband, My Lover—which also stars Kylie Versoza, Cindy Miranda and Luis Alandy and directed by Mac Alejandre—ay streaming na this Friday, November 26 sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, USA, and Canada.

 

For local subscriptions, you can subscribe using the VIVAMAX app and for P149, you can watch-all-you-can for 1 month, and you can pay using your Debit or Credit card, GCash, or PayPal account that’s linked on your Google, Apple and Huawei App Gallery account.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.