Exclusive: Vince Rillon at Christine Bermas, mga laking-hirap na nakipagsapalaran at nagtagumpay sa showbiz

Parehong laki sa hirap ang mga Siklo lead stars na sina Vince Rillon at Christine Bermas. But unlike Christine na bata palang ay pangarap ng maging artista, walang-wala sa radar ni Vince ang showbiz.

 

Pero dito siya dinala ng tadhana.

 

Nagdala lang siya ng naiwang kubyertos ng mga kapatid niyang waiter na nagke-catering sa isang event nang mai-spot-an siya ni Cannes Film Festival best director na si Brillante Mendoza at ikinast agad sa international film na Captive as a young Aby Sayyaf member.

 

Wala sa sistema niya ang mag workshop-workshop. Pumupunta kang daw siya dahil may libreng pagkain.

Pero habang nahahasa, napapamahal na rin sa Batang Mandaluyong na si Vince ang acting kaya mas pinili na niya ito over pagpu-pulis na siyang signature profession ng kanilang pamilya.

 

Mula sa mga bit roles, unti-unting ni-level up ng mentor niyang si Direk Dante ang mga roles niya. And six years after, ang makulit na bagets ay isa ng seryosong aktor na nagbibida sa mga pelikula.

 

Si Christine Bermas naman, tila marunong mag-manifest. Mataas ang pangarap at ayaw umasa sa magulang kaya mas piniling tumira sa kanyang lola para maka-diskarte nang sarili.

 

With her lola, nagtinda-tinda ng mga kakanin at kung anu-ano pa sa mga streets of Palawan hanggang sa mapasok ding kasambahay. In between, nakiki-audition ay sumasali sa mga local talent shows sa bayan nila, thinking  to herself na baka sakaling ma-discover siya.

 

At nagkatotoo nga dahil sa talent search na Circle of 10 Palawan ay nakilala niya ang manager niya ngayon na si Len Carillo.

 

Kahit ayaw payagan ng mga magulang, at 16 ay lakas-loob na sumama si Christine sa manager pa-Manila para hanapin ang kapalaran.

 

“Lakas loob lang po talaga...saka na-feel ko naman po na I’m in good hands. And tama naman po ako [sa instinct ko].”

 

She was first trained to be a dancer at isinali sa all-girl group na Belladonnas na rumaraket sa mga events at may regular gigs sa mga comedy bars. Hanggang sa naihanap ng trabaho as a newbie actress during the pandemic.

 

Kung tutuusin ay pang-apat na pelikula na niya ang Siklo, nauna pa niyang gawin ang Sisid with Vince Rillon din and under the helm of Dante Mendoza at ang launching movie niya dapat na Moonlight Butterfly under Joel Lamangan. Earlier, kasali rin siya sa Silab ni Direk Joel. Bongga ang film resume niya kung tutuusin.

 

Kapwa sila deadma sa mga sinasabi ng tao sa napili nilang path ng pagpapa-sexy. Para sa kanila, bahagi lang ito ng trabaho nila bilang artista. Kilala naman nila ang sarili nila. Gusto lang nilang maibalik ang tiwalang ibinigay ng mga nagtaguyod sa kanila sa showbiz. At may maganda namang balik dahil pareho silang napupuri sa kanilang pag-arte. Viewers see beyond their sexy images naman. At higit sa lahat, dahil sa pag-a-artista ay kapwa na rin sila nakakatulong sa mga respective families nila.

 

Si Christine nga ay nagsisimula nang maipagawa ang bahay nila sa Palawan. And in the future, bukod sa bahay ay nangangarap siyang magka-resto bar doon at maging dito sa Manila.

 

And in the future, too, nangangarap din naman silang maging mga premyadong artista. In fact, ngayon palang ay ini-imagine na nila kung gaano kasarap umakyat ng stage at mag-dedicate ng award sa mga mahal sila sa buhay.

 

And to be quite honest, nae-envision din namin na mangyayari ’yon.

 

Panoorin ang aming very insightful tsikahan with Vince and Christine...mga nakakabilib na bagong artista na walang takot sa pag-tackle ng maseselang roles, kung paanong wala rin nilang takot na hinanap at hinarap ang kanilang kapalaran.

 

Please click on the video link above.

 

Meanwhile, Siklo, their sexy-thriller movie is raedy for streaming tomorrow, January 7, only on Vivamax.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.