Ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita ang isa sa mga materyal na mas nagpalutang ng angking galing ni Megastar Sharon Cuneta sa pag-arte.
Matindi ang ni-require na character development sa kanya rito—from a naïve and contented barrio lass (Salve) na naka-duster araw-araw to a sophisticated mentoree of a syndicate leader—at naitawid niya with flying colors na hindi iffy.
Dito ay mapapangasawa niya at mamahalin ng lubos si Alfred (Christopher de Leon) na nalilitan lang siyang pakasalan dahil sa utang na loob sa kanyang tatay.
Ambitious, makakahanap ng kauri si Alfred sa katauhan ni Via )hilda Koronel), isang mayamang negosyanteng galing sa angkan ng mga pulitiko. Dahil na-fall kay Alffed, Via will lure him with her wealth at tatakamin sa political ambitions nito.
Masisilaw si Alfred sa mga kayang ibigay ni Via kaya’t naging sunod-sunuran siya sa mga naging plano nito at nangunguna rito ay ang bigyan ng dahilan si Alffred para iwan ito at mapasa-kanya.
Masisira ang buhay ni Salve pero sasagipin siya ni Rod (Bembol Rocco), isang orphan na naging kriminal dahil sa mapait na nakaraan.
Kukupkupin siya nito at ime-mentor sa buhay na maykaya at palaban at mamahalin.
And when the time is ripe at sa tulong ni Rod, she will exact vengeance sa mga sumira ng buhay niya—sina Alfred at Via.
Bukod kay Sharon, napaka-effective din ng pagkaka-portray ni Christopher kay Alfred na isang lalaking matikas pero mahina ang disposisyon. Puno ng ambisyon pero walang balls.
This is a classic story of revenge. Kaya’t kinailangan tadtarin ng pasakit si Salve sa istorya to justify her need for vengeance. And avenge her kaapihan, she will, sa tulong ni Rod.
But will it be sweet revenge or bitter ending?
Iyan ang tanong na masarap balikan sa 1989 Lino Brocka classic na ito na halaw naman sa serial komiks story ni Gilda Olvidado. And you can do just that by visiting the Viva Films YouTube Channel or by clicking the video link below.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber