Full Movie: Super B, the campy superhero

Late 90s pataas, eto ’yong mga panahong Rufa Mae Quinto can do no wrong. She was just being her funny self onscreen, wala ng acting halos, pero pinapatulan ng audience. Gaya ng 2002 movie  niyang Super B. Parang may napag-utusan lang na gawan ng anything si Rufa Mae, ipa-direk kay Joyce Bernal and boom, may surefire tubo na sa takilya.

Photos: Viva Films YouTube Channel

Late 90s pataas, eto ’yong mga panahong Rufa Mae Quinto can do no wrong. She was just being her funny self onscreen, wala ng acting halos, pero pinapatulan ng audience. Gaya ng 2002 movie niyang Super B. Parang may napag-utusan lang na gawan ng anything si Rufa Mae, ipa-direk kay Joyce Bernal and boom, may surefire tubo na sa takilya.

Late 90s pataas, eto ’yong mga panahong Rufa Mae Quinto can do no wrong. She was just being her funny self onscreen, wala ng acting halos, pero pinapatulan ng audience.

Gaya ng 2002 movie  niyang Super B. Parang may napag-utusan lang na gawan ng anything si Rufa Mae, ipa-direk kay Joyce Bernal and boom, may surefire tubo na sa takilya.

Campy na campy ang Super B., outlandish ang costume-man at over-the-top ang aktingan. Parang naka-droga buong cast at nagti-trip lang sa buong pelikula.

Isang mahiwagang singsing na nagpapa-turn into ang supehero kay Bilma, isang jeepney food vendor (na uso noon sa Makati area), na may weirding manliligaw, si Lord (Marvin Agustin) na boses-pe#@% dito. Kay Lord galing ang singsing na pinasa ng nanay niyang manghuhula sa kanya.

Nang mapasa-kamay ni Bilma, lumabas ang power nito hanggang natutunang i-harness ito ni Bilma. Sumikat siya dahil dito, to the utter insecurity ng Flower Pot Girls—na baklang-baklang ginampanan nina Melanie Marquez at Mylene Dizon.

Mga aliens na nagkatawang tao ang Flower Pot Girls, who turned themselves into celebrities para sakupin ang mundo using mind-conditioninhg sa mga kabataan. They’re the equivalent of influencers kuno sa panahong ito.

S’yempe, laban-laban, labo-labo bjut in the end, wagi syempre ang bida pero pinaka-wagi si Lord dahil na-win niya finally ang piso ni Bilma when he turned into a superhero himself.

Umekstra’ng saglit dito si Troy Montero as a reporter na kai-inlaban ni Super B.

O, di ba, casting palang, riot na. Akalain mong nagka-tandem pala sina Rufa Mae at Marvin?

But whether you admit it or not, mae-enteratin ka pag pinanood mo ang Super B. May kakaibang appeal. Maybe it’s the fact na alam mong hindi mo siya dapat seryosohin at wala kang expectations. But then, the sheer campiness brought in the tawa factor—mga pa-deadpan ni Rufa Mae, mga  OA gestures ni Marvin, at ang pagpapalit ng makukulay na costumes at pagtitili ng Flower Pot tandem.

You can now watch it again for free by visiting the Viva Films YouTube Channel or by simply clicking the video link below.

Better kung first time mong mapapanood dahil the more absurd it is for your taste, the more entertaining it becomes.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.