Gamols Dennis Padilla, Andrew E., at Janno Gibbs, may US-Canada concerts pagkatapos mag-balik-pelikula

According kay Andrew E., si Janno Gibbs daw ang may pakana ng lahat kung bakit sila may come-back comedy movie ngayon kasama si Dennis Padilla. Ito daw ang naglatag sa Viva Films ng mga konsepto at na-apruban naman. 

At hindi pa man nagso-showing ang pelikula nilang Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo—na tila pinaglaruang title ng mga pinagbidahan nilang mga pelikula noong 90s—ay kabi-kabila na raw ang mga alok sa tatlo para mag-show abroad. Karamihan kasi ng mga fans nila noong 90s ay mga successful Pinoys na sa ibang bansa.

Sa area na ito, si Andrew E. naman daw ang namamahala at nakikipag-usap sa mga producers dahil linya niya ito. Kaya naman “manager” ang tawag nila Janno at Dennis dito. At dahil doon, okay naman daw kay Janno at Dennis na mas malaki ang maging TF (o talent fee) ni Andrew kesa sa kanila.

In the offing na raw ang mga musical-comedy shows nila for US and Canada. Apat na shows sa Canada at dalawa sa US. At kung sakali, baka raw magkaroon din sila ng Asian tour.

Pero ayon kay Andrew, ila-lump sum nalang daw niya ang TF at saka hahatiin para fair. At para din daw siguradong mababayaran sila, ang hinihiliing daw ni Andrew sa mga producers abroad ay bayaran muna sila bago sila umalis ng Pilipinas. 

Pero bago yan, busy muna a ng tatlo sa pagpo-promote ng hagalpak movie nilang  Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo na showing na on September 4.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.