Hannah Precillas, tatlong buwang umiiyak habang nasa Indonesia noon

PHOTOS: @hannahprecillas on Instagram

PHOTOS: @hannahprecillas on Instagram

Halos araw-araw daw umiyak ang singer na si Hannah Precillas noong nagko-compete s’ya sa Dangdut Academy Asia sa Indonesia.

Ibinahagi n’ya ito sa exclusive interview namin sa kanya via Zoom kamakailan. 

Natanong kasi namin ang Kapuso singer kung paano ba s’ya napasali sa fifth edition ng competition na naganap mula last quarter ng 2019 hanggang first week ng January 2020. 

Nag-audition ako nang wala akong alam,” natatawang pag-amin ni Hannah. “Nu’ng sinabi sa akin na may pa-audition, parang competition sa Indonesia… Akala ko English songs pa rin, ‘yong masho-showcase ko pa rin ‘yong kung saan ako komportable na mga songs.”

Kahit batikang kontesera na si Hannah -  na nag-grand champion noong 2014 sa Bet ng Bayan - aminado s’yang mahirapan s’ya nang husto sa Dangdut Academy Asia noong umpisa pa lang. 

Nagulat na lang daw sila ng kanyang mga ka-batch sa competition na from different parts of Southeast Asia pagdating nila sa Indonesia dahil wala silang maintindihan sa kanilang mga kakantahin. Nakasulat kasi ang mga ‘yon sa Bahasa Indonesia language. 

Pagdating doon nagkaroon ako ng question sa sarili ko na, ‘Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?’” lahad pa n’ya. “Kasi nga na-overwhelm ako na parang ang hirap. ‘Kaya ko ba ‘to?’ Ang daming doubt din na nakita ko sa sarili ko.

Pag-amin pa ng Kapuso OST Princess sa amin, “Grabe ‘yong iyak ko doon, araw-araw, as in. Three months akong nandu’n, three months ding hindi okey ‘yong boses ko. May sakit ako.

Mabuti na lang daw at bumagay sa boses n’ya ‘yong mga kantang natatapat sa kanya kaya kahit hindi n’ya alam ng lyrics ng kanyang kinakanta ay idinaan n’ya ‘yon sa emosyon. 

Buti na lang ‘yong mga songs na bigay sa akin is more on emotional. Parang paiyak,” paglalarawan pa ni Hannah. “So, ‘yong iyak ko may halong ‘feel ko ‘yong meaning ng kanta’ at halong hirap din.

At kahit nagkasakit na, hindi daw nagpakabog si Hannah kahit wala sa fighting condition ang kanyang boses.

Hindi s’ya ‘yong 100 [percent]… Alam naman natin sa sarili, ‘di ba, na okey ‘yong vocal cords natin everyday. Doon, buong three months nasa 70 [percent], 80 [percent] ako sa sarili ko,” sey ng Boholana singer. 

Still, nakapag-uwi ng karangalan sa bansa si Hannah nang tanghalin s’yang second runner-up sa Indonesian-based talent competition noong January 2020.

Kanino nga ba s’ya kumapit para malagpasan ang mga challenges sa Indonesia? 

Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan n’ya ngayon sa kanyang showbiz career? 

Ano-ano ang kanyang mga gustong gawin kapag natapos na pandemic? 

Alamin ang lahat ng ‘yan at marami pang iba sa exclusive interview namin kay Hannah Precillas dito: 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sa tanong kung hunky ba ang next boyfriend na gusto niya, Julie Anne San Jose, napa-“Oh, my God!”

Gabbi Garcia sa pagpapalipat niya kay Alden Richards sa tabi ni Julie Anne San Jose: “Wala pong nag-utos... Dapat po nasa gitna siya ng ending dahil headliner po ang idol niyo.”

Julie Anne San Jose, balik-teleserye after two years

Pika's Pick: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz start filming their upcoming movie "Torpedo" in Samar

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.