Highlights: Jinggoy Estrada’s 57th birthday party

Masayang-masaya ang aura ni dating senator Jinggoy Estrada during his birthday celebration last February 17 na ginanap sa Emar Suites sa Mandaluyong City.

Tila naka-recover na ito mula sa pagkatalo sa nakaraang senatorial elections.

Masipag itong mag-table hopping at personal na pinasasalamatan ang lahat ng nag-abalang pumunta sa kanyang kaarawan. Maging sa speech niya ay halos isa-isa niyang binanggit ang mga naroon dahil akala raw niya ay wala nang pupunta sa kanya dahil talunan siya. 

“Marami pa rin naman palang nagmamahal sa akin,” ma-emote na banggit niya.

Panay din ang pakawala niya ng nakakatawang punchlines, na typical Jinggoy, gaya ng 37th birthday lang daw niya ang araw na ’yon. Maging ang tatay niyang si former president Joseph “Erap” Estrada ay hindi naka-ligtas.

“Salamat din sa mga kapatid kong nandito...‘Dad, ilan ba sila? Hindi ko na mabilang. May darating pa ba?’” 

Nagpa-unlak din ng ilang awitin ang comebacking actor na kasalukuyang nagsu-shooting ng pelikula niyang Coming Home with Sylvia Sanchez

Kumpleto ang buong pamilya ng birthday boy—mula sa mga magulang na sina Erap Estrada at Dra. Loi Ejercito, hanggang sa mga kapatid na sina Jackie at Jude. In full force din s’yempre ang immediate family niya led by wife Precy Ejercito at mga anak na sina Janella, Juloan, Jolo, at Jill.

The program was hosted by comedians Marissa Sanchez and Eric Nicolas at ilan sa mga nag-perform ay sina Bimbo Cerrudo, Jamie Rivera, Ricky Davao, Tirso Cruz III, at Marcelito Pomoy. Ang party ng senator ang bale unang live performance ni Marcelito after ng kanyang America’s Got talent journey.

Special mention ni Jinggoy sa kanyang speech ang mga kaibigang senator-actors na sina Bong Revilla at Manny Pacquiao.

Bukod pa sa mga nabanggit, ilan sa mga namataang celebrities ng pikapika.ph sa party sina Senator Grace Poe (na hindi nagtagal), Bacoor mayor Lani Mercado, Lorna Tolentino, Amy Austria, Isabel Rivas, Samantha Lopez, Bayani Agbayani, Smokey Manaloto, Martin del Rosario, at ang bagets na si Francine Diaz.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.