Jao Mapa, game sa daring scenes sa come-back movie niyang Paraluman, pero hindi game ipapanood sa asawa ang pelikula

When Jao signed up with Viva in March last year, hindi naman daw siya nag-e-expect at all ng malaking project. He just wants to act again.

Isa sa unang project na ibinigay sa kanya ay isang important guesting sa TV show na Puto on TV 5. Nag-kontrabida siya doon kay Bistek (Herbert Bautista) at sa gumanap na anak nitong si McCoy de Leon.

While at the lock-in taping ng Puto, doon daw siya tinawagan ng Viva para i-alok ang isang bida movie role. Ang catch, he needs to disrobe and do erotic scenes with of one Viva’s goddesses na si Rhen Escano.

Natulala raw siya ng slight but he was told to not think of it as an erotic film but as a comeback film. 

Agad daw niyang kinonsulta ang asawa niyang si Cecille about this. At dahil galing din naman ito sa TV, theater, and indie films, kaya’t naging malawak naman daw ang pang-unawa nito regarding the matter. Pero sa kanya pa rin daw nito ibinigay ang pagde-desisyon.

Pero kung nag-desisyon daw ang asawa niya na hindi siya payagan ay tatanggihan naman daw niya ang project. Buti nalang at supportive naman ito dahil alam nilang dalawa na malaki at magandang proyekto ito.

The said project is Paraluman, which was done under the ministrations of Hollywood-trained Yam Laranas.

Dahil matagal nag-missing in action si Jao, wala daw siyang idea who Yam and his leading lady Rhen were. Ang asawa pa nga daw niya ang nagsabing taga-Ang Probinsyano si Rhen (kung saan nagka-guesting stint din siya before).

When the deal was set, nagsimula na raw siyang mag-jogging every day to prep for his role as Peter, isang jack-of-all trade fellow na committed to be married na sa isang may-kayang babae (Gwen Garci) but made-derail nang makilala niya si Mia (Rhen), isang dalagang na-first love sa kanya.

Base sa trailer palang, kitang napasabak sa maraming sizzling bed scenes si Jao kaya ang tuksong-tanong namin ay kung kaya ba niyang ipapanood sa misis niya ang comeback movie niya?

Sa dalawang-dekadang marriage kasi nila ay tila ngayon lang sila haharap sa ganitong sitwasyon na kinaharap naman na ng ibang celebrity couples din.

“Hindi ko kaya siguro gawin ’yon,” biglang-namulang pag-amin ni Jao, “I can’t. I can’t let her. I can’t. Hindi ko kaya ’yon. Hahaha!

“That would be hard, that would be hard also on her part,” dagdag niya. “I don’t strongly suggest it. And I don’t encourage it. I’ll just respect whatever decision she will make—whether to watch or not.”

When asked too, if kaya ba niyang gumawa ng same genre, meaning erotic film, after Paraluman, ay hindi raw.

“Pang-comeback lang talaga. Hahaha!”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jao Mapa, aminadong “nag-on the sides” noong binata pa siya

Jao Mapa on his showbiz comeback: “I’m here to stay.”

Jao Mapa, isinalba daw ng mga paintings niya ang kanyang pamilya noong nagka-COVID-19 lockdown

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.