Jela Cuenca, may itikan na sa probinsya

Business management graduate pala ang sexy newbie actress na si Jela Cuenca, who’s already appeared in such Vivamax movies such as Taya, Palitan, Boys Bastos, Silip, and Boy Bastos; plus ang currently streaming na Island of Desire.

 

This early, nagagamit na niya ang pinag-aralan niya dahil nag-invest pala siya sa mga itik na inaalagaan ngayon ng papa niya sa Negros Oriental.

 

“Kaya hindi na sila galit sa akin, Chor!,” biro ng babaeng beki pala na si Jela.

 

Actually, hindi sa pagpapa-sexy niya galit ang pamilya niya. Hindi naman daw kasi siya napapanood ng mga ito dahil binabawalan niya. It’s more on sa pagiging pasaway niya noon.

 

Imagine, at 14, sumama siya sa mama niya na nagta-trabaho sa Manila. Ayaw niya kasi nang pinapagalitan lagi siya ng papa niya sa pagiging layas niya. Bata palang kasi ay mahilig nang gumala at mag-explore si Jela at hirap ang mga elders niya na rendahan siya.

 

In Manila, nakatira sila ng mom niya sa bahay ng boss nito. And when they started na paki-alaman pati mga sinusuot niya, nag-fly na naman ang beauty niya at nakitira sa mga kaklase.

 

Hanggang sa ma-discover niya ang mundo ng modelling. Pa-rampa-rampa, pose-pose, sali ng pageants...basta kung saan daw may raket.

 

“Kahit malayo, pupuntahan ko yan...ang bayad, two thousand, five thousand...”

 

Hanggang sa nag-krus ang landas nila ng talent manager na si Jojo Veloso, na inirekomenda siya sa Viva.

 

“Actually, hindi ko po sineryoso, hanggang sa tumawag tapos ayon, bigla may movie na (Taya),” natatawang recall niya.

 

Hindi daw siya aware noong una na sexy roles ang ibibigay sa kanya pero dahil nandoon na, pinangatawanan na raw niya lalo na noong magkasunod-sunod na. But unlike mga kasabayan niyang sina Ayanna Misola at Angeli Khang na pawang nabigyan na ng mga solo projects and starring roles, si Jela ay nanatiling second fiddler.

 

But she doesn’t mind daw dahil hindi aminado naman siyang wala siya ng tapang ng mga ito onscreen.

 

“Ako po kasi, nag-set ako ng limitations na hanggang taas lang [ang ipapakita] saka po no touch [in sensitive parts].”

 

Nevertheless, malaki ang pasasalamat niya sa manager niya at sa Viva dahil malaki na raw ang ipinagbago ng buhay niya.

 

Ngayon, nagsisimula na siyang mangarap ng mas malaki—like maka-pundar ng farm.

 

“Pinag-iipunan ko po ’yon,” say niya. “’Yong nandoon na lahat.”

 

Kaya inuna muna niya ang mga itik at nagsu-supply na umano sila sa mga magba-balut sa lugar nila.

 

Mukang ma-diskarte sa buhay itong si Jela. Hindi kami magtataka kung magka-hacienda siya in the future. Imagine, na-foresight na niya ang itikan?

 

As far as her acting career is concerned, dream daw niyang maging sexy comedian kaya favorite na favorite niya ang role niya sa Boy Bastos, ang nerdy at religious pero maelyang girlfriend ng bidang si Wilbert Ross. At keri naman niya.

 

But because may acting naman si Jela, as evident in her portrayal sa Palitan ni Brillante Mendoza at sa Silip ni Mac Alejandre, kaya’t patuloy na nabibigyan ng mga sexy-drama roles, her last being Joel Lamangan’s Island of Desire.

 

Asked kung bakit magaling na agad siyang umarte...

 

“Natuto po ako sa mga direktor ko lalo na kay Direk Joel Lamangan. Ikaw ba naman ang sigawan! Chor!” pa-beki ulit na pagtatapat niya.

 

“E, di ba nga, ayoko ng napapagalitan maski ng papa ko? E, may mali po akong nagawa sa eksena...susko, ang puso ko kala ko lalabas [sa dibdib ko]. Haha!

 

“S’yempre, nakakahiya. After that, feeling ko, gumaling na ako. Hindi na ako nagkakamali at isang take lang. Hahaha!

 

“Pero mabait po si Direk Joel, istrikto lang pag trabaho. After ano naman siya, ‘O tara, kumain ka na dito.’”

 

Sexy-thriller ang Island of Desire, kung saan ang bida ay ang Palawenya beauty na si Christine Bermas. Pero mukang malaki rin ang bahagi ng karakter niyang komadrona sa istorya.

 

Island of Desire is now streaming on Vivamax.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.