Masked Singer Pilipinas, Pinoy na Pinoy kahit franchise show; costumes palang, undeniably Pinoy na

Balita namin ay handpicked ng mismong top honcho ng Viva na si Boss Vic del Rosario, Jr. ang karamihan sa 12 celebrity contestants ng pinaka-bagong reality singing competition on free TV, ang Masked Singer Pilipinas na magsisimula nang mapanood sa TV5 on October 24.

Pero hindi komo produced ito ng Viva, through its Sari Sari Channel, for TV5 ay puro taga-Viva lang ang contestants. In fact, isa lang daw ang talent ng Viva among the 12.

Ito rin ang nilinaw ni Masked Singer host Billy Crawford during the virtual media conference kahapon, October 6, na isiningit sa first-day taping nila for the pilot episode.

“Our doors are open here on TV 5, we welcome all networks, really,” bungad ni new daddy Billy. “The singers are actually singers...they’re artists themselves. Wala silang [specific na] tahanan. Nandito sila [para] magpakitang-gilas...kung ano ’yong voice nila. 

“The fact na tina-try kasi ng mga judges hulaan at ng mga masked universe (audience), the public...hulaan kung sino ’yong nagpe-perform. But they’re not in their own state, nasa costumes sila...their voice are kakaiba pag kumakanta sila...they’re trying to veer away from that whole thing. So, it’s  a new identity... kumbaga, ipapakilala nila ’yong sarili nila na...it’s super ano, super accepting, it’s super welcoming sa lahat ng artists.”

Ang Masked Singer Pilipinas ang local version ng King of Masked Singer na nag-originate sa South Korea pero nag-hit din sa America at tinawag na The Masked Singer.

A fifth judge—a surprise celebrity judge—will join Kim Molina, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli, and Aga Muhlach on the panel on the fourth week. 

 

Bukod nga sa naka-full mascot costumes ang mga contestants—na very challenging in itself—kailangan nilang baguhin ang boses nila para lalong maikubli ang tunay nilang identity. It’s no easy feat. Kaya bibilib ka rin sa mga nagsisali. 

“Nakita namin ’yong hirap na pinagdadaanan din ng contestants kasi it’s not a joke na naka-costume—as in full mascot costume ang sa kanila. And it’s real. So, talagang mainit...as in pagbukas no’ng ano, lagatok ’yong pawis no’ng tao. So, talagang pinaghihirapan nila. But it seems like they’re enjoying themselves naman.”

And speaking of costumes, kinarir ng Viva ang pagpapagawa ng mga ito dahil isa ito sa magbibigay ng full Pinoy flavor sa show, kahit pa sabihing inangkat ito from Korea.

“The costumes, localized po siya,” paliwanag ng isa sa mga judges na si Kim Molina, na hindi pa rin makapaniwalang judge siya. “Pinoy na Pinoy ’yong flavors ng aming characters.”

[Bukod sa ibong Adarna, sirena, at tikbalang, represented din ang mga Pinoy aso (Aspin) at pusa (Pusaway) sa mga mascots na idinisenyo para lang sa show.]

Putting Pinoy spin to the show starts with the costumes which integrated Pinoy folklore characters such as the ibong Adarna.

 

We wonder who’s behind the AsPin (asong Pinoy) costume?

 

Pero para kay Kim Molina, bukod sa “pag-iibang anyo” ng mga celebrity contestants, kaabang-abang din ang mga diskarte ng bawa’t isa sa pag-iiba ng boses para lalong hindi makilala. At isa rin daw ito sa magiging Tatak-Pinoy ng show.

“I think, medyo magiging iba siya, iba ang magiging version natin dito dahil ang mga masked singers natin, mga artists po talaga...alam po natin na ang mga Filipino, may mga distinct voices po yan...so, it’s amazing and it’s fascinating to watch these artista na mag-iba na ng anyo. Kumbaga, ibang tao po sila. So, ’yon po ’yong exciting doon...na I think ’yong ibang mga artista na kilala na natin na ganito ’yong boses, ‘Ay hindi, kaya niya pala ’yong mga ganitong klase ng kanta.’ I think ’yon din po ’yong magiging expectations ng audience and what they should look forward to.”

Bukod kay Kim Molina, kasama sa panel of judges sina Cristine Reyes, na nakasali na sa dalawang reality shows pero first time maging judge ever; si Matteo Guidicelli na excited maka-trabaho si Aga Muhlach; and Aga na sinu-shoot palang daw ang Miracle on Cell No.7 last year ay um-oo na sa Viva na sasali siya sa show pag nasara ng Viva ang franchise.

Masked Singer Pilipinas will start gracing your primetime Saturday TV time on October 24 at 7pm, on TV5.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.