Matet de Leon, superstar child star noon; cool mom ngayon

Isa sa patuloy na nagniningning ang karera sa showbiz ang aktres na si Matet de Leon na nagsimula noong mid-80’s bilang child actress.

Mula sa angkan ng showbiz royalty si Matet bilang adopted daughter ng former couple na si Superstar Nora Aunor and the “Drama King” Christopher de Leon. 

Ang kanyang adoptive siblings naman gaya nina Lotlot at Ian ay kapwa active din sa showbiz habang sina Kiko at Kenneth naman ay mas pinili ang private life. 

Taong 1986 nang magsimula sa showbiz ang noo’y four years old na si Matet sa pelikulang I Love You Mama, I Love You Papa at Inday Inday sa Balitaw na kapwa under Regal Films.  

Pero tumatak naman s’ya nang husto sa mga manonood sa comedy-horror movie na Takot Ako, Eh! ng NCV Films directed by late director Mario O'Hara.

Naging bukambibig din ng mga tao ang linya ni Matet sa movie na "Takot ako, eh" na hanggang ngayon ay inuulit-ulit pa sa kanya ng kanyang mga fans.

Dahil sa taglay na ka-kyutan at ka-bibahan, nagsunod-sunod ang pelikula ni Matet sa Regal at iba pang film outfits—dahilan para tagurian siyang child wonder ng era na ’yon.

Taong 2001 naman nang napabilang s'ya sa ABS-CBN series na Sa Dulo Ng Walang Hanggan. 

Magmula noon, lagare na sa paggawa ng movies at teleserye ang aktres sa alin mang movie companies at sa kahit anumang TV networks.

Ilan pa sa mga kinabilangan n'yang high rated soap operas ay ang May Bukas Pa (ABS-CBN, 2009), Munting Heredera (GMA7, 2011), The Legal Wife (ABS-CBN, 2014), at nakasama rin s’ya sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN noong 2018.

Sa pelikula naman, kasama si Matet sa movie na A Very Special Love (2008) na pinagbidahan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, at ang follow up movie nito na You Changed My Life (2009).

Hindi rin nawala si Matet sa third sequel ng movie entitled It Takes a Man and a Woman way back in 2013, the same year na nakasama s'ya sa Valentine movie nina Marian Rivera at Richard Gutierez na My Lady Boss

In her recent career, “Best friend ng Bayan” ang naging monicker ni Matet dahil kadalasan ay ’yon ang roke niya sa mga pelikula o teleserye na wala naman daw kaso sa kanya.

However, sa totoong buhay daw ay wala siyang maituturing na BFF liban sa kanyang mister at mga kapatid. 

“Sa totoo lang...sige po. ‘Best friend’ ako ng bayan but I really don't have a best friend besides sa pamilya ko,” pagbabahagi ng aktres sa Tonight with Boy Abunda way back April 2019. 

In the same interview, inamin ni Matet na nakakaramdam din daw sila ng pressure bilang anak ni Ate Guy at Boyet na mga icons ng Pelikulang Pilipino, lalo na raw when it comes to acting dahil lagi silang nakukumparang magkakapatid sa kanilang mga magulang. 

“’Yong parang, ‘Wala namang minana [kina Nora at Christopher].’ 'Yong parang ganu’n” Sila po ang pinaka-magagaling sa Pilipinas. ’Wag n’yo sanang i-expect na kaya namin tapatan ’yon.”

“Hindi ko naman minana talaga. So ’wag sana mag-expect sa akin, kay Ate [Lotlot] o kay Kuya [Ian]. Iba po kami. Kumbaga magkakaiba [kami].”

Huling napanood sa telebisyon si Matet sa morning soap opera ng Kapamilya network na Nang Ngumiti ang Langit.

It was in February 24, 2004 nang ikasal si Matet sa kanyang boyfriend na si John Michael “Mickey” Estrada.

Aminado si Matet na na-love at first sight siya sa basketball player na si Mickey—who was then playing for the National University Bulldogs—nang mamatan niya ito sa isang bar sa Tomas, Morato in Quezon City noong 2003.

In fact, siya nag-first move kay Mickey by getting his number from a common friend. Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Mickey dahil ilang araw after ng meeting nila any naging sila na.

Now, 16 years na silang mag-asawa at biniyayaan sila ng tres marias—sina Mishka Estrada, Mia Estrada, at Michaela Estrada.

Isang malungkot na parte ng buhay mag-asawa nila ang naganap noong August 2005. Nagkaroon ng pre-mature birth si Matet sa isa sanang baby boy—si Juan Miguel de Leon Estrada. Sa kasamaang palad, agad itong binawian ng buhay.

But other than that, kita namang very fulfilled at masaya ang off-cam life ni Matet sa piling ng pamilkya. In fact, being a mom and wife ang best role ever na nagampanan niya.

She does mothering with ease. Kaya naman cool mom siya sa kanyang tres marias. 

At nakakatuwang whirlwind romance maituturing ang love story nila ni Mickey, ay isa sila ngayon sa may matibay na relasyon sa showbiz—na lalong pinatitibay dahil sa kanilang mababait na anak.

Maswerte si Matet dahil mahusay na padre de-pamilya ang “love of her life” na si Mickey. Perfect umano ito sa kanya. At swerte din naman si Mickey dahil napaka-devoted na maybahay at ina ni Matet na kayang-kayang balasehin ang kanyang on-cam at off-cam life.

Stay happy, Estrada family!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.