Mga pasabog na linyahan nina Julia Barretto at Marco Gumabao sa #DrinkAndSpill vlog

Patuloy na nagte-trending at humahakot ng views ang first ever #DrinkAndSpill paandar ni Julia Barretto sa kanyang YouTube channel na Just Julia.

First “lasingan” guest niya ang kaibigang si Marco Gumabao na game na game makitagay.

Pero sabi nga, nahuhuli ang mga katotohanan sa mga lasheng k’wentuhan.

Dahil sa vlog, nabisto tuloy na “um-effort” pala si Marco kay Julia noon...nabasted nga lang.

At dahil sa tama ng tequila, ang dami tuloy quotable quotes na napakawalan ng dalawa...

Narito ang ilan sa mga unforgettable at intriguing linyahan ng dalawa sa #DrinkAndSpill vlog ni Julia...

“Tapos iniwan s’ya [Julia]! Iniwan sa akin para alagaan ko.”—Marco

Marco:  Alam naman nila before, like, sa barkada namin. Alam nila na I had a crush on Julia

Julia: You didn’t have a crush on me, Marco. You were in love with me.

 “...minalas s’ya kasi hindi n’ya ako sinagot.”—Marco

“...that time I wasn’t ready yet.”—Julia

 

Deal-breaker:

 “Para sa akin ’yong walang poise. S’yempre lahat naman tayo, may kengkoy side tayo, may jologs side tayo. Pero may boundary s’ya, e. 

 “Hindi naman ako conservative pero, alam mo ’yon, parang meron lang kasi level of poise… May boundary tayo na kailangan i-meet. ‘Yon lang. 

Kiss on first date:

Marco: S’yempre, hindi!

Julia:  S’yempre, ikaw pa ba? Knowing Marco, s’yempre kiss na yan agad.

Marco: “Alam n’yo, guys, I have matured.

Julia: Marco, hindi mo yan branding, Marco. Hindi mo yan image...

Marco: Hindi mo pa ako nakikilala? Aminado naman ako before. I was enjoying my life before. Habang tumatanda tayo, nagma-mature tayo. Nasa lalaki rin, e, kung may gagawin s’ya o wala. Kasi ako ha, kung madali mong nakukuha ’yong girl, madali rin s’yang mawawala sa’yo. Kapag pinaghirapan mo ’yong babae, mas tatagal s’ya sa’yo.”

Sobrang nasisira na ako dito sa vlog na ‘to. Oh my God!”

“Marco, stop searching for me in every woman.”—Julia

“Tanga ka sa pag-ibig. Tanga ka… Dati. Hahaha!” Marco

“Masarap ako magmahal...”Julia

“Sino ba yang partner na yan?”—Marco

Julia: Let’s move on na, Marco…

Marco: Matagal na akong naka-move on sa’yo. Anong akala mo sa akin?

Julia:  ... Oy, Marco, affected ka pa ha.

Marco: Matagal na nga akong naka-move on, affected pa rin ako?

Aliw, di ba?

For full context, view Julia’s  #DrinkAndSpill vlog here: 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.