Pops Fernandez Birthday Party Highlights

As early as November ay nilambingan na ni Pops Fernandez ang mga group of friends niya, na karamihan ay hindi taga-showbiz, na maghanda ng mga special production number para sa birthday niya. Para daw maiba naman. Ginawa niya itong pa-contest at nangalap talaga ng pondo si Pops—or Pipay to her friends—para pang-premyo kahit hindi naman kailangan ito ng mga kaibigan niya.

 

Karamihan naman sa nilambingan ni Pops ng presentation numbers ay nag-comply. Kaya naman sa araw ng birthday niya, December 12, ay sa Teatrino pa niya ginawa ito.

 

May mga sumayaw, may nag-impersonate, at may gumawa ng video presentation.

 

Maski ang mga hindi nag-comply ay napilitang mag-impromptu act, gaya nina Edu Manzano, Toni Abad, at Melissa de Leon, na nahilingan ni Pops na magpa-andar pa rin. The instant trio obliged.

 

Nag-ala Christmas party din ang celebration ni Pops dahil may pa-parlor games si Pipay.

 

Touched na touched si Pops sa pag-aabala ng mga kaibigan niya dahil alam naman daw niyang lahat ay busy, bukod pa sa busy month ngayon.

 

But most of all, nag-thank you siya sa ex-husband-turned-good friend niyang si Martin Nievera na nag-agree’ng mag-host ng program along with her and her best friend Joy Ortega. Nag-ala-Penthouse Live tuloy ang ilang portions ng program, kaya may nostalgic feel.

 

Nabuo din that night ang pamilya nila dahil bukod sa nandoon nga si Martin ay nakasama rin nila through video call ang panganay nilang si Robin na kasalukuyang nasa Amerika, habang nasa tabi naman nila ang bunso nilang si Ram. Sabay-sabay ang mag-anak na kumanta ng “Happy Birthday” song kay Pipay na buong gabing pinangangatawan na 30 years old lang siya.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.