Rufa Mae’s first Vlog post, nag-trending!

Rufa Mae’s first Vlog post, nag-trending!

Noong August 4 ay in-announce ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto sa kanyang Instagram account (@rufamaequinto) ang pagkakaroon niya ng Vlog na mapapanood sa kanyang sariling YouTube Channel.

 

On the same day, nag-publish siya sa YouTube ng kauna-unahan niyang video material na tinawag niyang Rufa “Waze” Quinto Audition Video, kung saan ipinakita niya ang pag-a-audition niya kunwari para makuhang voice talent ng GPS navigational app na Waze.

 

Ilang araw ding nag-trending ang nakakatawang Vlog enrty No. 1 ni Rufa Mae, na as of press time ay may half-a-million views na. The video came with this panawagan caption to Waze:

 

“Napagod ako dito ha. Kaya sana naman, baka naman, Waze. Yoohoo Waze, what are you waiting for? Go go go na! Totoo na to, yessss!

 

 

Noong August 10, sumagot ang Waze, via Twitter, sa panawagan ni Rufa Mae at sinabi nitong:

“Hey, @rufamaequinto, no need to audition. You can make your very own Waze Voice using your Waze app. Just head to Settings > Voice Directions & get recording. Bonus: you can share them with everyone via link.”

 

Na-flatter naman si Rufa Mae na pinatulan siya ng Waze. Sa kanyang IG account, kung saan niya pinost ang tweet ng Waze ay sinabi niyang:

“Grabe yung ka tweet ang waze and gusto niola ako gumawa ng waze voice ko! Haha! Salamat sa lahat, @waze.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.