Ryza Cenon, nagkwento tungkol sa mga huling sandali ni Chokoleit sa Abra; first and last meeting daw nila yon.

Hanggang ngayon ay surreal ang pakiramdam ni Ryza Cenon sa pagkamatay ng komedyanteng si Chokoleit. Isa kasi si Ryza sa mga huling nakasama ni Chokoleit bago ito binawian ng buhay sa probinsya ng Abra, kung saan ay mga guests performers sila para sa ginanagap na Kawayan Festival doon noong March 9.

 

Ang masaklap, first and last meeting daw nila iyon ng magaling na komedyante. Nilapitan daw niya ito at nagpakilala daw siya dito dahil wala pang instance na na-introduce sila sa isa’t isa. Considered newbie kasi si Ryza sa bakuran ng ABS-CBN dahil dati itong taga-GMA kaya wala silang naging chance encounter ni Chokoleit kundi ang gabing iyon sa Abra.

 

Sinasabayan pa raw nila backstage ang pagkanta nito kaya laking gulat nila na bago pa man sila maisalang nina Enchong Dee at Paulo Avelino para mag-perform sa stage ay ibinalita na sa kanilang wala na si Chokoleit.

 

Narito ang buong panayam namin kay Ryza, kasama ang iba pang members of the press, na naganap sa unang gabi ng lamay para kay Chokoleit.