Mixed ang reaction ng publiko when Senator Bong Revilla, Jr. used the then popular “Budots” dance sa kanyang kampanya last senatorial election. May nainis, may na-turn-off, may mga tumuligsa...pero meron din naaliw at na-kyutan.
Kaya naman sa kanyang post-Christmas party kamakailan, natanong siya ni reporter Mercy Lejarde kung willing din daw ba siyang sayawin ang sikat na sikat ngayong “Tala” dance craze ni Sarah Geronimo.
Natanong din nang maybahay ng senador na si Mayor Lani Mercado (of Bacoor Cavite), kung okay daw bang silang apat nina Sen. Bong, Sarah, at Catriona Gray ang sumayaw ng pamosong dance step.
Nabanggit si Catriona dahil lumabas ang pangalan nito bilang isa sa napipisil na maging leading lady ng come-backing actor-senator sa pinaplano nitong possible December 2020 filmfest entry.
Watch their answer by clicking the video.