Sunshine “KAKA” Guimary answers pikapika’s Random NAUGHTY Questions

June 2020 ang first ever exclusive virtual interview ng pikapika.ph sa umaapaw ang kaseksihang si Sunshine Guimary ng Cebu.

 

Bagama’t kasagsagan na noon ng Covid-19 pandemic ay hindi napigilan ang madalas na pagba-viral ng mga “braless” contents na ina-upload niya sa kanyang for-adults na YouTube Channel. Dahil dito ay tinagurian siyang Braless Goddess at Pambasang Braless.

 

Kapipirma lang din niya ng kontrata sa Viva noon. 

 

Bagama’t hindi naman sanay magpa-interview, naging cool at very game si Sunshine sa inihanda naming naughty questions with matching tili at bungisngis habang sinasagot niya ang mga mapangahas na sexy questions.

 

Fast forward to today, May 2021, almost a year after, may launching movie na ang mestizang Cebuana. At ito ay ang Kaka na malapit nang matunghayan sa streaming app na Vivamax.

 

And just like before, hindi naging madamot ang kikay at kalog ding newbie actress at pina-unlakan niya kami ng second round of naughty Q&A.

 

We asked kung ano ang opinion niya regarding mga babaeng gumagawa ng first “move;” kung ano, para sa kanya ang ibig sabihin ng “good in bed,” at kung game ba siyang makipag-“three-way” at “role play.”

 

Sinagot din niya kung ano, so far, ang most embarrassing sexual experience niya, kung nanonood ba siya ng porn, kung tanda pa niya ang feeling ng kayang first ever big “O,” at kung ano ang favorite niyang sexual position.

 

Clue: siya daw ang pagod sa position na ’yon.

 

Sa bandang dulo ng Q&A ay ipina-rate namin sa kanya ang mga matitipuno at matitikas niyang leading men sa Kaka na sina Jerald Napoles at Ion Perez. 

 

Sino kaya ang piniling niyang mas “dakila?” 

 

Alamin ang lahat ng yan by clicking the video above.

 

In the meantime, streaming na ang Kaka, which is directed by GB Sampedro, sa Vivamax starting May 28.  

 

Radio sex guru ang role ni Sunshine sa Kaka na magaling magpayo ng mga da moves in bed pero siya mismo ay lacking pala sa area na ’yon dahil may sumpa ang mga babae sa pamilya niya na mahihirapang makahanap ng lalaking magbibigay ng wapak na erotic experience.

Sa movie, malalaman natin kung si Ion ba o si Jerald ang makakapag-break ng sumpa. 

Vivamax is available online at web.vivamax.net or download the app on Google Play Store or Apple App Store. You can also get Vivamax vouchers on Shopee and Lazada. Watch all you can for P149 (a month), P399 (for three months, at 749 (six months).

MORE RAN­DOM QUES­TIONS:

Sam Con­cep­cion an­swers Ran­dom Ques­tions from Pikapika!

PART 1: Mat­teo Guidi­celli an­swers Ran­dom Ques­tions from Pikapika!

Ken Chan and Rita Daniela an­swer pikapika's Ran­dom Ques­tions!

Ai-Ai delas Alas an­swers ran­dom ques­tions from Pikapika!

Marco Gum­abao an­swers ran­dom NAUGHTY ques­tions from Pikapika!

Onanay's Jo Berry an­swers ran­dom ques­tions from Pikapika!

Vice Ganda an­swers ran­dom ques­tions from Pikapika!

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.