Susan Roces, muling sinurpresa ni Coco

Gaya last year ay muling binigyan ni Coco Martin ng isang bonggang birthday celebration ang kanyang “Lola Flora” na si Miss Susan Roces.
Ang movie queen, na kilala rin bilang Manay Inday sa showbiz, just turned 77 last July 28, pero ang pa-party ni Coco, na ginawa sa bahay ni Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal sa Loyola Grand Villas sa Quezon City, ay ginanap naman belatedly noong July 31.
Present sa celebration s’yempre ang full cast ng FPJ's Ang Probinsyano gaya nina Yassi Pressman, Angel Aquino, Carmi Martin, and seasoned actors Edu Manzano, Albert Martinez, Jaime Fabregas, and Eddie Garcia.
Naroon ding ang ilang mga executives ng ABS-CBN sa pangunguna ni President and CEO Carlo Katigbak at Chief Operating Officer Ms. Cory Vidanes, at ilang piling kaibigan ni Manay Inday mula sa showbiz industry led by Regal Entertainment's Mother Lily Monteverde.
Halos tunay na mag-kapamilya na nga ang turingan nina Coco at ni Manay Inday dahil tatlong taon nang tumatakbo sa ere ang pinagbibidahan nilang FPJ's Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

 

 

 

VIDEO by Anna Pingol

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.