This is Showbiz #28: Getting to know the boy behind the actor Elijah Canlas

Rhian Andrea pala ang original name na napili ng mga magulang ng young actor na si Elijah Canlas para sa kanya.

Ito ang nakakagulat at nakaka-aliw na trivia na napulot namin kay Elijah nang makapanayam namin siya ni Butch Francisco para sa Episode 28 ng This is Showbiz.

Nagsimula ang k’wento nang matanong namin kung bakit Jelo ang nickname niya sa bahay nila na malayo sa given name niyang Elijah.

Aniya, “babae” raw kasi ang nasilip sa ultrasound noong ipinagbubuntis pa siya. dahil doon, namili na raw ng mga pink na gamit ang mommy niya at nag-concoct na sila ng girl name na Rhian Andrea.

“Ang kasunduan po kasi ng parents ko, kapag lalaki po ’yong ipinanganak, the name should start with the letter J—kasi my mom is J, Jesilyn...kapag babae, it should start with an R kasi my dad is Rommel,” natatawa-tawang tsika ni Elijah.

“Tapos, sa ultrasound po, babae ako supposedly. Babae ako and my name was Rhian Andrea. And then, no’ng lumabas ako, hala, ‘Lalaki siya!’

“Tapos, pink lahat ng gamit ko ganyan. Tapos, at that time, pinangalanan nila akong Elijah ’coz I think [from] Elijah Wood and from the Bible din because they want all their kids to be named after people from the Bible. So, Elijah po ’yong ipinangalan sa akin.”

Pagpapatuloy niya: “Tapos, eventually, naalala nila na, ‘Teka, dapat J ’yong name niya. Nakalimutan nating gawing J.’ Kasi ’yong mga kapatid ko po, Jerom and Jamile...both J. Ako, E.”

Kaya napagkasunduang bumawi nalang sa nickname. At ang Jelo umano ay contribution ng kanyang tita.

“Tapos, ’yong tita ko po...kasi sobrang taba ko po, ang laki kong baby tapos ang puti-puti ko, tapos namumula po ako. Sabi niya, para daw akong Jellyace. So, tinatawag po nila akong Jelo.”

Isa lang yan sa mga exciting na napag-usapan namin sa aming exclusive interview with Elijah. We also traced his acting journey at kung ano paano siya naging ganito kagaling para maging pinakabatang Urian best actor winner. 

S’yempre, humingi na rin kami nang patikim tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng pinagbibidahan niyang TV5 teleserye na Paano ang Pangako? at ang paparating na Gameboys Season 2 na ayon kay Elijah ay “One million times more kilig” at definitely “better than the first” daw, na ang titutukoy s’yempre ay ang Gameboys [Season 1], ang maituturing na pinaka-successful BL Series sa Pinas so far. 

To know more about Elijah, the young man behind the acting gem, and his upcoming projects, panoorin ang kabuuang interview by clicking the link above.

MORE VIDEOS:

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (A): Darryl Yap, nangangakong “kita ang kaluluwa” ng mga artista niya sa Pornstar

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (B): Bare-all tsikahan with Pornstar stars Maui, Ara, Alma, at Osang

This is Showbiz #21: 2021 psychic predictions for KathNiel, AshMatt, Alden, Maine, Coco, Vice, atbp.

This is Showbiz #20: Jewel Mische at ang mala-fairy tale niyang buhay sa Michigan, USA

Exclusive: This is Showbiz #19: MMFF 2020 Best Actress Charlie Dizon, ayaw ipapanood sa parents ang movie niya

Exclusive: This is Showbiz 18: Charo Santos-Concio, ang over achiever na nahulog sa third floor ng bahay at 3 years old

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.