This is Showbiz #41: Kumustahan with 70’s matinee idol Dondon Nakar ng “Apat na Sikat”

Hindi na matandaan ni Dondon Nakar ang mga detalye kung paano binuo ni Ike Lozada noong 70s ang grupo nilang Apat na Sikat na kinabibilangan niya, ang ka-loveteam niyang si Winnie Santos na nakababatang kapatid ng Star or All Seasons na si Vilma Santos; ang former child star din gaya ni Dondon na si Arnold Gamboa na ipinareha naman sa pamangkin ni Superstar Nora Aunor na si Maribel “Lala Aunor.”

Basta’t ang sabi daw ni Kuya Ike ay “gagawin ko kayong mga superstars.” 

At nangyari naman kaya nga natatak na sa history ng Philippine entertainment ang grupo at show nilang Apat na Sikat. Baka nga ito ang naging peg ni German “Kuya Germs” Moreno noong itinatag naman niya ang That’s Entertainment noong late 80s.

Ang fresh pa sa alaala ni Dondon ngayon ay ang matinding fan adulations noon at ang walang tigil na supply nila ng sampaguita garlands. Tanda niya pa kung paanong nagpa-pandemonium sa isang lugar kahit isa lang sa kanila ang um-appear sa isang venue.

At kung ang mga fans ngayon ay dinadaan sa social media ang bangasan, noong panahon nila ay “nagkakagatan ng tenga” at “nagpapaluan ng tubo” daw ang mga fans. 

Dondon also looked back on his makulay na teen-age lovelife with Winnie Santos noon. Kung bakit “makulay,” you need to watch the full interview para malaman. Warning: it’s shocking in a funny way.

He also related kung paano siya naging close, una kay Ate Vi (Vilma Santos) at later on, kay Ate Guy (Nora Aunor). And sadly, he also revealed na ang Apat na Sikat pala did not develop real friendship during their time.

Now 62, Dondon lives a quiet life habang active participant sa itinatag na Catholic charismatic community ng kanyang parents, ang Elim Communities, na isa ng global movement. However, he wants to clarify na hindi siya nag-pastor. Active lang umano siya sa mga services nila.

He’s separated with his wife though they managed to remain friends. Isa lang ang naging anak niya, a very private guwapong 27-year-old whom he describes as “mabait na bata.” 

To know more about his life now at para maki-reminisce na rin, please watch our fun interview with the Daniel Padilla of his time, Dondon Nakar, by clicking the video link above.


 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.