This is Showbiz #45 (Part 2): Andrew E., pilyo sa screen, ideal family man off-cam

Hindi namin pinalampas ang pagkakataon na matanong si Andrew E., tungkol sa kanyang love life.

 

Biro namin, siya mismo ang nag-defy na sarili niyang “Humanap Ka ng Panget” rule dahil ang ganda-ganda ng misis niyang si Mylene.

 

Aklanon daw lovely wife niya, ani Andrew E. Tubong-Boracay na napadpad ng Maynila. At sa pagkakapadpad niya sa Manila, na-meet pa niya si Andrew E., who was hibernating from local showbiz that time ay naglagi na sa Japan dahil nakahanap ng panibagong lucrative career doon as night-life entertainer. 


Sa minsang pag-uwi sa Pilipinas, natapatan pa ni Mylene...Ay, ang ganda ng kwento nila dahil nagsimula lahat sa booth ng FedEx na business noon ni Andrew E. Siya ang tumao, naging customer si Mylene, nauwi sa meet up sa Café Adriatico, hanggang sa naisama niya sa Japan.

 

Mas magandang siya na mismo ang mag-kwento. But as an aside, habang “tine-testing” niya si Mylene noon, may iniwan din siya Haponesang GF sa Japan.

 

But si Mylene talaga ang destiny niya.

 

Presently, meron na silang three lovely kids—si Fordy, Jassley, and Ichiro—whose arms Andrew calls his “paradise.”

 

Iyon kasi ang mantra ni Andrew E.—create your own paradise.

 

Sa dami ring naging ups and downs sa buhay niya marami siyang pinupulot na lessons 

na nire-recycle niya, kumbaga, sa present na buhay niya.

 

But in all, ang gusto niya talagang paratingin sa mga taga-hanga niya ay ’yong wag magpa-gupo sa mga bagyo ng buhay dahil sure na sure naman daw ang 

pagsikat ng araw after every storm. Proven na raw ’yon.

 

And agree naman kami sa kanya na you don’t need to be rich to be happy kung gagawin mong paraiso ang mundong iniikutan mo kasama ang mga mahal mo.

 

Kahit po kasi kalog at komendyante si Andrew... di rin po yan papahuli sa mga profound exchanges lalo pa’t napakalawak na nga ng kanyang mga naging karanasan. 

 

At sabi nga namin sa kanya, anumang pilyo ng image niya onscreen, hindi maikakailang sa bahay at sa piling ng kanyang pamilya, siya ay isang huwarang haligi ng tahanan.

 

Panoorin ang part 2 ng aming makulay na tsikahan with Andrew E., by clicking the video above.

 

Samantala, ang kanyang solo come-back movie’ng Shoot! Shoot! (Di Ko siya Titigilan)—na offshoot ng kanyang TikTok viral hit song na Shoot! Shoot!—ay mapapanood na sa Vivamax this Friday, October 8.

 

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

 

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

 

And since October 1, may Vivamax na din for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

WATCH PART 1 HERE:

MORE THIS IS SHOWBIZ EPISODES:

This is Showbiz #39: Kylie Verzosa on beauty pageantry, depression, Jake Cuenca, and first starring role

This is Showbiz #40: “Crossover Queen” Glaiza de Castro at ang bunga ng kanyang mga pagsisikap

This is Showbiz #41: Kumustahan with 70’s matinee idol Dondon Nakar ng “Apat na Sikat”

This is Showbiz #42: Ken Chan, versatile actor na; versatile businessman pa

This is Showbiz #43: Barbie Forteza, graduate na sa “teen” roles; si Jak Roberto na ang the one

This is Showbiz #44: Usapang 90’s with Angelu de Leon & Bobby Andrews

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

Tiktok: https://www.tiktok.com/@pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.