THIS IS SHOWBIZ #52—Janno Gibbs, inaming dalawang beses siyang muntik iwanan na ni Bing Loyzaga

 

Come January 2022, Janno Gibbs and wife Bing Loyzaga will celebrate their 31st wedding anniversary.

 

At sa dami ng pagsubok na pinag-daanan ng kanilang pagsasama, Janno admits that most of it were caused by him and his indiscretions.

 

At ina-attribute niya ’yon sa fact na napakabata nila noong sila’y naging mag-asawa. Bing was only 19 then, and Janno 20. Kaya nga ang advise niya ngayon sa mga kabataan, wag agad lumagay sa tahimik dahil chances are,  hindi ka totoong matatahimik.

 

But the thing is, nalampasan nilang lahat ’yon. They still managed to make the marriage work. At this point, kalmadong-kalmado ang married life nila and seems to be enjoying it more than before.

Of course, hindi naman naging madaling mapunta sa calm state nila ngayon. It’s been a constant struggle from both their ends... struggle for Janno to behave and struggle for Bing to forgive.

 

Most of the time, kapag may matindi raw silang pinag-awayan ay naa-outside-de-kulambo siya, which means doon muna siya maglalagi sa katabing townhouse unit nila na pag-ari din nila. Pumupunta-punta lang daw siya sa “main house” para kumain at mangumusta sa mga bata.

 

And in fairness daw kay Bing, kahit galit daw ito sa kanya ay never siyang initse-pwera. They still do stuff as a family, like kakain sa labas o manonood ng sine (which is their number one bonding activity as a family). Wala nga lang pansinan.

 

Pero sabi ni Janno, may dalawang beses umano na talagang gusto na siyang talikuran ni Bing. As in ayaw na. End of the line na. Pero tiniyaga raw niyang manuyo ulit at ma-earn muli ang trust ni Bing, which wasn’t easy lalo pa’t hindi naman daw si Bing ang klase ng babae na nakukuha sa pabula-bulaklak.

 

Kahit naliligaw ng landas, Janno, in all fairness, has been committed to make the marriage work and last. Bing, by constantly welcoming Janno back, is just as committed.

 

At this point, tila nalampasan na nila ang mga unos. In the end, sila lang din namang dalawa ang maiiwang magkasama. Nasa empty nest stage na sila. Supposedly ay ikakasal na ang bunso nilang si Alyssa last 2020 pero naudlot dahil sa pandemic. Sana raw ay matuloy na net year. Ang panganay naman nilang si Gabby may soon follow suit. At kahit hindi pa man nag-asawa ang dalawa, ay mga independent women naman kaya’t hindi an rin nakasuno sa kanila. One is based in Singapore, habang ang isa ay sa Australia. In fact, nandito lang daw ang mga bata this time of the year dahil Pasko.

 

Dini-discuss na raw nilang mag-asawa kung ano ang p’wede nilang gawin now na papunta na sila sa semi-retirement stage. Aniya, noong mga panahong wala siya masyadong trabaho ay plano na nilang manirahan na sa Australia kung saan naka-base ang maraming Loyzagas. That’s still an option daw na pw’ede nilang i-reconsider any time.

 

It’s just that at this point, bigla namang umariba ang career ni Janno. Kabi-kabila ang movies and may recording pa rin on the side. Nakarami siya this year, ha. In fact, kung hindi naurong ang pagpapalabas ng Yorme, ang biopic ni Isko Moreno kung saan ay gumanap siya as Kuya Germs, ay tatlo ang magso-showing/streaming  niyang movie this December—Ang A Hard Day (na MMFF 2021 entry ng Viva Films), where he plays a non-comic police character; ang solo starrer niyang superhero movie na Mang Jose; at ang Part 2 ng riot na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.

 

Today, December 24, streaming na sa Vivamax ang kanyang Mang Jose, kung saan kasama niya ang sawang si Bing, who’s also playing as his estranged wife in the movie. Reunion project din nila ito ng 80’s ka-loveteam niya na si Manilyn Reyes na ginawa nilang kontrabida for a change.

 

Ang daming exciting sa Mang Jose. Una na ay ang konsepto na superhero na naniningil. ’Yon palang, patawa na. Of course, exciting to see in one frame ang dating magkaka-love triangle, sila nina Bing at Mane. Nakaka-curious mapanood si Mane as a kontrabida at si Bing bilang bait-baitan character. Refreshing din yong Mikoy Morales, na magaling palang umarte. It’s also Janno’s first time to collab sa Project 8 production ni Direk Dan Villegas.

Janno puts a lot of heart into this project and he’s equally proud of it as he is of his first superhero role na Pedro Penduko.

 

Go see him in this modern-day superhero character. Make it your pre-Noche Buena family bonding.

 

Just go to Vivamax. O kaya naman, go to Pikapika Showbiz YouTube Channel and view our full revealing and insightful interview with this highly creative fellow named Janno Gibbs.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.