This Is Showbiz #54: Ang bittersweet life and showbiz journey ni Wendell Ramos

Unknown to many—and even us—na matagal na siyang kilala, may dugong-artista pala si Wendell Ramos (that’s back in the days na pag sinabing artista o celebrity ay looker talaga).

 

Lolo pala niya ang Sampaguita/LVN star na si Carlos “Rusty” Salazar na nai-partner pa kay Tessie Quintana at ang jazz singer na si Jennifer Ramos.

At bata palang daw, nasasabihan na nga raw siyang artistahin. Nabibitbit-bitbit na rin daw siya noon sa mga tapings sa Broadcast City kapag may guesting ang Tita Jennifer niya kaya bata palang siya ay may idea na siya kung ano ang entertainment industry.

 

He also recalls auditioning for Ang TV noon at nakasabay niya sina Angelica Panganiban at Kaye Abad. Na-met na raw niya noon pa man ang pamosong star builder na si Mr. M. But somehow, hindi nag-push through ang pagta-child star niya.

 

Marahil may kinalaman doon ang paghihiwalay ng mama at papa niya. Medyo may mga bagay na nadiskaril, ika nga.

 

Hindi naman daw sila mahirap pero may nagbago definitely sa takbo ng buhay nila including finances. Naranasan din daw nilang magkakapatid na ipakitira sa mga kamag-anak at makulanhan ng mga material wants—lalo na kapag Pasko—na mahalaga sa isang bata.

 

Ani Wendell, pang-Magpakailanman daw ang kanyang childhood. Marami raw siyang tanong sa isip noong araw dahil nalito siya sa mga nangyari. At dahil hindi mai-voice out, nadala nalang niya sa dibdib ang lahat. He said he tried forgetting the painful details only to go back to them years later dahil nagagamit na niyang instrument ang mga dinanas na sa sakit sa naging profession niya as an actor.

 

But that’s getting ahead of the story.

 

Paano nag ba na-reconnect sa showbiz si Wendell gayong hindi naman natuloy ang pagiging child star niya?

 

He was around 16 or 17 nang ma-meet niya ang big-time celebrity manager na si Douglas Quijano. Pala-raket na si Wendell noon, modelling, ushers sa mga events...At sa isang sporting event kung saan siya nag-usher—o yong taga-welcome ng guests at ipamilyar ang mga ito sa loob ng venue—ay nagkataong isa sa mga manlalaro ang tinaguriang Pinoy Adonis na si Richard Gomez, na noon ay nahaling sa larong fencing.

 

Nasa audience daw at nagkukuyakoy si Douglas Quijano that time para panoorin si Goma. Dahil matikas at may itsura, ipinakilla siya ng isa sa mga coaches na nandoon kay Douglas. Douglas gave him a calling card and told him to call after three days.

 

Unknown to him, nakapag-decide na, right there and then si Douglas na ime-mentor siya. Thus, when he called, pinik-up daw siya sa bahay at dinala sa isang lugar kung saan nandoon ang iba pa nitiong mga alagang sikat na gaya nina Goma, John Estrada at Gelli de Belen. Sabi lang daw ni Douglas sa kanya, “I can’t promise you anything, but we will try.”

 

Walang workshop-workshop, walang anything, basta nalang siya naisalang sa mga proyekto gaya ng Kabilin-Bilinan ng Lola (his first film) at Bubble Gang (his first TV show). Kakapa sa Sistema ng mundong napasukan, nagamay na rin ni Wendell and nine years after, he became a Gawad Urian best supporting actor awardee.

 

He’s also gone the sexy route. Sino ba ang makakalimot sa pagpapakita niya ng makinis niyang behind via the Bench Fashion Show in front of thousand sa Araneta Coliseum noong 2010?

 

But it’s not all roses for Wendell. Dumanas din naman siya ng mga rejections at ’yong tipong kanya na ang project pero napupunta pa sa iba. St aminado siyang masakit kapag supporting roles na ang binibigay sa’yo gayong nasanay siya na siya ang bida.

 

But Wendell realized na kailangan niyang tanggapin ito dahil may pamilya nang umaasa sa kanya. When he came to terms with it, naging maluwag ulit ang pasok ng grasya. He became one of the most reliable actors ng GMA-7.

Today, especially because of the pandemic, kahit anong role—big or small—at kahit one taping or shooting day lang ay tatanggapin niya. Una, dahil mahal niya ang pag-arte at pangalawa, blessing daw ang anumang trabaho.

 

In fact, he’s even game to go sexy again kung may mag-aalok. At p’wedeng-pwede pa naman talaga.

 

But he’s definitely become an actor in the real sense of the word and he’s been enjoying varied roles, especially on TV. Hindi nga niya akalain na mag-click ang loveteam nila ni Jo Berry sa Onanay. And this time, CEO tatay siya ng tatlong prinsesa ng GMA—sina Althea Ablan, Sofia Pablo, at Jillian Ward sa highly successful afternoon soap na Prima Donnas, which Book 2 is starting to air come January 24.

 

It’s more than a second wind for Wendell. In fact, tila mas fired up siya ngayon in terms of being an actor kahit pa sabihing may masasandalan na siyang mga businesses na naipundar. Hinding-hindi raw niya iiwan ang acting na siyang naging foundation ng buhay niya.

 

Katwiran niya, may forever naman sa profession na ito basta’t  hindi ka maselan, nakaka-deliver ka, at mahusay kang makisama.

 

For more of our very interesting at masayang throwback tsikahan with Wendell Ramos, please watch our full exclusive interview on our YouTube Channel.

 

Please click on the video above.

 

MORE THIS IS SHOWBIZ EPISODES:

This is Showbiz #39: Kylie Verzosa on beauty pageantry, depression, Jake Cuenca, and first starring role

This is Showbiz #40: “Crossover Queen” Glaiza de Castro at ang bunga ng kanyang mga pagsisikap

This is Showbiz #41: Kumustahan with 70’s matinee idol Dondon Nakar ng “Apat na Sikat”

This is Showbiz #42: Ken Chan, versatile actor na; versatile businessman pa

This is Showbiz #43: Barbie Forteza, graduate na sa “teen” roles; si Jak Roberto na ang the one

This is Showbiz #44: Usapang 90’s with Angelu de Leon & Bobby Andrews

 

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: 
facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
Tiktok: https://www.tiktok.com/@pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.