This is Showbiz #68: Jojo Veloso, gifted mangilatis ng mga artistahin

Did you know na ang pamosong talent manager pala na si Jojo Veloso ang naka-discover kay Lotis Key, sa beauty queen na si Alice Crisostomo (nanay ni Mutya Crisostomo) and even Alice Dixson?

 

May mata kasi talaga sa ganda at sex appeal si Jojo. Innate gift, kumbaga. He can spot them from a mile away. At kung sa unang tingin ay hindi maganda sa iba, tila kaya niyang ilabas ang beauty na hindi nakikita ng iba at later ay maipa-appreciate na yon sa nakararami.

 

At mas nahasa pa niya ’yong skill na ’yon when he worked for the top haute couture of his time na si Rudy Fuentes. Taga-hanap ng models ang trabaho niya dahil malakas daw ang kumpetisyon noong araw, hindi lang among designers kundi even among hotels where fashion shows were held. Pabonggahan ng models, kumbaga.

 

And in those days, ang mga models daw ay ayaw mag-artista dahil nababaduyan. Mga rich kids daw kasi ang karamihang napapapayag niyang mag-catwalk.

 

Ngayon kasi ay baligtad, mas lumaki na ang pemium ng isang artista kaya ang mga models na mismo ang naghahanap ng puwang nila sa showbiz.

 

Later on, nagsarili na siya at nagtatag ng sariling talent agency, hindi lang for models kundi pati na rin sa showbiz. At doon na siya nakilala sa showbiz and is credited for having discovered the likes of Ina Raymundo, Ana Capri, Aya Medel, Via Veloso, Matt Mendoza, Dale Villar, at marani pang iba na pawang naging malalaking pangalan sa film industry.

 

But in the 90’s, dumanas siya nang matinding intriga when he was alleged to be molesting a male auditioner. Umabot pa ito sa congressional hearing pero ayon kay Jojo now, wala namang nangyari doon dahil ang akusa ay hindi naman mismo galing sa alleged victim kundi sa aniya’y mga nang-iintriga lang sa kanyang yumayabong na propesyon.

 

But that incident made him decide na mag-lie low muna sa showbiz. Umuwi siya ng Biliran at politics naman ang napagdiskitahan. He ran as board member and remained so for ten years until showbiz

came calling again.

 

“Actually, even naman nasa probinsya ako, the producers, the directors, tuloy pa rin naman ang pagta-trabaho namin. Hindi sila affected sa intriga sa akin.  Pero nandoon ako sa probinsya kasi nanalo ako as number one board member.”

 

But now he’s back in showbiz full time and he shows no sign of slowing down.

 

And then as now, forte niya talagang mag-discover ng mga screen sirens and at gagawing Adonis. Hindi naman kasi nawawalan ng market for sexy movies. Ang kaibahan lang daw, noon ay kailangan niya talagang kumbinsihin at paliwanagan ang mga artista, at maging ang mga parientes, na magpa-sexy sila; ngayon daw ay mas matatapang na ang mga gustong mag-showbiz.

 

“Sila pa ang kumakausap sa mga magulang nila na ito ang gusto nioang gawin,” natatawang say niya.

 

These days, meron silang tres Alas sa hanay ng mga babae—sina AJ Raval, Angeli Khang, at Ayanna Misola—na pawang nagre-reyna sa Vivamax. Kanya rin sina Cara Gonzales (Palitan, Ikaw Lang ang Mahal) at Jela Cuenca (Palitan, Silip) at ang mga hunks na sina Benz Sangalang (Secrets), Rash Flores (Palitan), Massimo Scofield (Putahe).

 

Mukang swak kay Jojo Veloso ang kantang “there’s no business like show business.”

 

Because here he is, lording it over again pag dating sa talent discovery ang management.

 

 

This is Showbiz #39: Kylie Verzosa on beauty pageantry, depression, Jake Cuenca, and first starring role

This is Showbiz #40: “Crossover Queen” Glaiza de Castro at ang bunga ng kanyang mga pagsisikap

This is Showbiz #41: Kumustahan with 70’s matinee idol Dondon Nakar ng “Apat na Sikat”

This is Showbiz #42: Ken Chan, versatile actor na; versatile businessman pa

This is Showbiz #43: Barbie Forteza, graduate na sa “teen” roles; si Jak Roberto na ang the one

This is Showbiz #44: Usapang 90’s with Angelu de Leon & Bobby Andrews

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.