This is Showbiz (EP 7.4): Alfonso Martinez, bakit nga ba di tinuloy ang pag-aartista?

Sa mga hindi na nakakatanda, nagkaroon ng short stint noong araw si Alfonso Martinez sa Ang TV ng ABS-CBN.  Kasabayan niya sina Antoinette Taus, Jolina Magdangal, Camille Prats, at iba pa. Nag-semi regular din siya sa Oki Doki Dok ng kanyang Tito Aga Muhlach.

Nang mag-binata naman ay sinubukan din niyang mag-Star Magic. 

Na-enjoy naman daw niya ang mga panahong ’yon sa showbiz pero kalaunan, he grew more uncomfortable in front of the camera at mas naa-appreciate niya ang mga trabaho behind it. 

Kaya naman despite his lineage and his connections, mas pinili ni Alfonso ang kanyang private life and dabbling in production work once in a while kasama ang costume at production designer niyang wife-to-be na si Miki Hahn.

Maski daw ang ate niyang si Alyanna ay sumubok ding mag-showbiz but she also gravitated more sa mga behind-the-scenes job. Alyanna, before migrating to the States, was working on fashion show and fitness events productions.

Even so, kahit daw saglit lang siyang nag-showbiz, biggest fan pa rind aw niya ang kanyang lola Amalia.

“Yes, of course naman. It’s always been... you know naman she’s competitive... like with her mga kabarkada sila Tita Annabelle [Rama], Tita Daisy [Romuladez]. All of them.”

Sayang nga daw at hindi nan a-meet ni Amalai ang kanyang apo sa tuhod na si Adalyn—anak ni Alyanna—dahil feeling ni Alfonso, sa bibang si Adalyn nabuhos ang showbiz genes ng pamilya. 

“She’s mag-ti-three [years old] ngayon... she always performs. So I wouldn’t be surprised, baka she might be the next parang mag-artista when she’s older. Baka may chance na mag-artista ’yon kase she’s two years old palang, [she does] interpretative dance na, kumakanta, acting... so maybe it’s in the genes. She’ll be the one to carry on the torch. Yeah,  so I don’t know.”

P’wede rin namang kay Arturto, his soon-to-be born son, matuloy ang Muhlach-Martinez acting genes. Or sa soon-to-be anak din ng bunso ng pamilyamng si Alissa na buntis ding kasalukuyan.

Kung anuman daw, hindi raw nila ipipilit ito sa mga anak nila gaya nang kung paanong hindi sila pinuwersa ng mga magulang nila—and even ni Lola Amalia—na mag-showbiz.

Sa ngayon, ang pokus na ni Alfonso ay ang kanyang future family. He says he’s trying to build a healthy and stress-free environment para sa kanyang fiancé. Kaka-engage lang nila ni Miki Hahn, na isinabay na rin nila sa announcement ng kanilang pagiging parents-to-be. 

Tila may magandang plano si Alfonso para sa kasal nila ni Miki but that will have to be postponed for now dahil sa pandemic.

WATCH MORE ‘THIS IS SHOWBIZ’ EPISODES:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.