This is Showbiz (EP.10): Usapang multo sa showbiz

Dahil Halloween na, naisipan namin sa This is Showbiz na mag-interview ng isang spirit guide and psychic, who also happens to be a feng shui expert—si Mr. Francis Gaw.

Gifted si Mr. Gaw. Bukod sa psychic ability at mastery ng feng shui, nakakakita at nakakausap din niya ang mga taga-other realms—be they elementals  o kaya naman ay spirits o mga multo!

Through him, nalaman namin kung saan nagtata-tambay ang mga multo at kung ano ang iba’t ibang ugali nila, na according to him ay kung ano rin, more or less, ang ugali ng mga ito noong nabubuhay pa. Kaya naman may multo palang sosyal, may loner, at meron ding mabarkada!

We also found out na mas dumami pala ang percentage ng mga multo ngayong modern times kumpara noong araw. Pasama na raw kasi nang pasama ang ugali ng tao kaya’t maraming hindi talaga nakaka-cross over.

Through him, nalaman din namin na possible naman palang mapa-alis ang mga multo sa mga bahay-bahay natin. And once it’s done, mawawala na rin ang mga malas na dala nila—like ailments, financial distress, away-pamilya...

Sat dahil feng shui expert, nag-konsulta na rin kami kung paano maayos ang tinatawag na flow of good energy sa isang bahay. Uso kasi ngayon ang mga house tour ng mga arista sa vlogs nila—gaya nina Vice Ganda, Bea Alonzo, Team Kramer, Donnalyn Bartolome, Gabbi Garcia, Ivana Alawi at iba pa.

Pero ayon sa kanya, ang first key ay ang pagpili ng tamang feng shui consultant. I-BI (background information) muna daw ang kokonsultahin at siguraduhing maayos ang pamumuhay nito dahil kung hindi raw, chances are ay mali ang mai-advise nito.

But according to Mr. Gaw, maaring hindi lahat ay maniwala sa sinasabi niya and that’s okay. Kanya-kanya naman talagang paniniwala. He just happens to be an expert in these other-worldly matter kaya naming siya nilapitan.

At sa haba ng tsikahan, sa isa lang din bumagsak...ang key, aniya, para hindi ka maging multo later on at para hindi ka multuhin ay ang maging selfless. Hindi siya madali. But that’s the only and real way to paradise.

WATCH PART 2 HERE:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.