This is Showbiz (Ep.12): Manilyn Reynes, nag-detalye kung paano siya nasungkit ni Aljon Jimenez noon

Para sa episode 12 ng This is Showbiz, ang online show ng site na ito (pikapika.ph), Butch Francisco and Anna Pingol went down the memory lane with Manilyn Reynes, ang isa sa pinaka-successful at pinaka-sikat na young star noong 90s (at off-shoot ’yon ng kasikatan niya as a child star noong ’80s).

Star of the New Decade ang naging bansag noon kay Manilyn nong i-launch siya ng Regal Films as a child star in 1982. And she is now just two years short to celebrate her 40th year in show business. Kaya naman lutong-luto na siya, so to speak, sa pag-arte at kahit saan ilagay ay p’wede. Naging sidelight na nga lang ang kanyang pagkanta in the latter years at mas na-pokus siya sa acting pero kung tutuusin, ang maging tunay na recording artist ang dahilan kung bakit siya inilipad ng kanyang tiyuhin noong araw sa Manila—na nangyari naman, In fact, maraming siyang naging hits including ang iconic na ngayong “Sayang na Sayang.”

Masaya ang naging tsikahan namin with Manilyn lalo pa’t binalikan namin ang masaya at magulong 80s and 90s sa showbiz. 

Mala-AlDub ng kanilang panahon ang drama ng team-up nila ni Janno Gibbs—na up to now ay may following—sa That’s Entertainment. As in dumadagundong ang Broadway Centrum kapag may production number silang dalawa. Nai-pair din siya kay Keempee de Leon later on. Kaya nga ang naging tanong namin ay kung paano nakapasok si Aljon Jimenez sa buhay niya gayung bantay-sarado sila ng fans noong mga panahon na yon.

Sa set pala ng Shake, Rattle, & Roll 2 (Aswang episode) sila nagka-develop-an. Naiintriga si Mane (palayaw ni Manilyn) sa pagka-isnabero ni Aljon (mahiyain lang daw pala). Pero habang lumalaon, nagiging close na sila to the point na may code na sila sa “honking” ng sasakyan pag maghihiwalay na from the shoot.

May nai-share pang kilig moment si Mane na naganap sa shooting na habang kinu-k’wento niya ay para na-transport ulit siya sa time na yon dahil kinikilig pa rin siya! 

Nagka-lull in between daw after ng shooting nila at isang taong hindi nagparamdam si Aljon kay Manilyn. In hindsight, hindi niya tuloy akalain na siya pala ang mapapangasawa niya dahil hindi niya alam na after a year ay muli itong manliligaw—and this time, mas dibdiban na.

Nang um-attend daw ito ng 19th birthday niya—kahit hindi invited—ay hindi na ito bumitiw sa panunuyo sa kanya.

In short, na-realize ni Aljon na true love niya si Mane. Ikaw ba naman ang dumalaw kay Manilyn from Las Piñas to Quezon City every day, kung hindi pa seryoso yon ay ewan nalang.

Ani Manilyn, nahirapan lang umanong dumiskarte si Aljon dahil napaparatangan itong manggagamit noong araw. And to also protect Aljon—dahil na-true love na si Mane—never sila nag-date in public para nalang walang masabi ang publiko.

And the rest is history. They’re about to celebrate their silver anniversary as couple at isa sila sa maituturing na pinaka-matatag na relasyon sa showbiz. Their marriage gave them three beautiful and well-mannered boys—Kyle, 24; Kirk, 18; and Kael, 9—na kahit mga artistahin ay ayaw umanong magsipag-on cam.

Samahan n’yo kaming balikan ang love story nina Manilyn Reynes at Aljon Jimenez at maki-throwback na rin sa masayang career journey ni Mane sa showbiz.

Click the video above for the full interview.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.