This is Showbiz (EP7.3): Nasaan na nga ba ang mga kayamanan ni Amalia Fuentes?

Sa exclusive interview ng This is Showbiz kay Alfonso Martinez, napag-usapan din ang tungkol sa mga naiwang ari-arian ng movie icon niyang lola na si Amalia Fuentes.

Sa mga taga-showbiz, kilala si Amalia bilang masinop sa kabuhayan at isa sa mga artistang marami talagang naipundar na properties. In fact, in one Quezon City village alone, meron siyang tatlong prime properties, kabilang ang bahay na huli niyang tinirhan.

Magmula daw ng ma-stroke na ang kanyang lola noong November 2015, si Alfonso na ang itinalaga ng korte na maging “official guardian of her estates.”

That is in the absence of Amalia’s only daughter na si Liezl Martinez na naunang pumanaw kay Amalia noong March 2015 after battling with cancer. Si Alfonso rin kasi ang pinaka-malapit sa kanyang lola. In fact, noong bata siya ay siya daw ang “pan-langis” ng lahat pag wala sa mood si Amalia, ipapadala lang daw siya sa bahay nito at ngingiti na ang movie queen.

Hindi raw madali ang naging papel ni Alfonso dahil hindi raw organisado ang mga papeles at dokumento ng ilang properties ng kanyang lola. Hindi nga naman kasi inaasahan ang pagkaka-stroke nito at bagama’t naka-recover sandali, iginupo pa rin siya nito in October last year.

Ani Alfonso, he had to pause some of his own affairs para i-devote ang oras sa pag-aasikaso ng lahat. And he describes the whole ordeal as “character building.”

Sana daw kasi ay nakapag-iwan manlang ang kanyang lola ng mga notes para alam niya ang kanyang gagawin kaya nga ang tanong niya ay: “Why, lola, why?”

May pahaging din si Alfonso tungkol sa isang obserbasyon: When money’s involved, certain people...you can medyo see how things change when money’s involved.”

Iyan at ilan pang rebelasyon ang laman ng Part 3 of our exclusive interview.

 

WATCH MORE ‘THIS IS SHOWBIZ’ EPISODES:

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.