This is Showbiz Ep.9: Viva Hot Babes Tell-All (Alamin kung sino si murupok at maripokpok)

Last September 25, nag-premiere na ang initial upload ng Viva Hot Babes sa kanilang official YouTube Channel—ang The Original VIVA Hot Babes—kung saan gumawa sila bagong sexy music video ng kanilang mga hit songs na “Bulaklak,” “Basketbol,” at “Kikay.”

Kung batang-2000 ka, hindi p’wedeng mawala sa kamalayan mo ang Viva Hot Babes dahil lahat ng gawin nila noon ay nagiging hit at kontrobersyal. Kaya naman magpa-hanggang ngayon,17 years after silang i-launch ng Viva noong 2003, marami pa ring hindi makalimot sa sexy group na ito. Naging pop culture phenomenon sila kumbaga at naka-tatak na sila sa history ng Philippine showbiz.

(In fact, nagtataka nga si Sheree kung bakit daw wala pa silang star sa Walk of Fame sa Eastwood City?)

Marami sa kanila ang active pa rin sa pag-arte up to now. At kahit may kanya-kanyang buhay na, buo at matibay pa rin ang friendship na nabuo nila noong 2000. Active daw ang kanilang Viber group at kung hindi nga lang dahil sa pandemic, nagkikita-kita daw sila basta may chance.

And even with some of them having their own YouTube channels na, they still created one for the group para magsilbing “reunion” venue nila at para maka-reach out pa rin sa mga nananatiling fans ng kanilang grupo. Pangako ng mga pilya ring Hot Babes, makakakita ang kanilang mga subscribers ng ten cleavages kada upload.

Anyway, right after their YouTube channel launch, six of the members—Katya Santos, Andrea del Rosario, Sheree, Jaycee Parker, Gwen Garci, and Zara Lopez—sat down with pikapika virtually for a fun throwback and bukingan interview for our online show, This is Showbiz.

Marami kaming na-dig up pa about the Hot Babes na ikina-laugh out loud namin. Para malaman n’yo rin, click on the video above.

Enjoy!

MORE ‘THIS IS SHOWBIZ’ EPISODES HERE:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.